Thursday, January 13, 2011

Atty. Romulo Macalintal bilang COMELEC Chairman--Quo Vadis?

Heto, tatagalugin ko para mas maintindihan.


Wala akong kwesyon---hindi matatawaran ang galing at husay nitong si Attorney Romulo Macalintal sa batas, lalo na sa Election Law. Isa si Macalintal sa pinagpipitaganang abogado sa Comelec. Maugat itong si Macalintal. Kilala niya halos lahat ng mga COMELEC officials. 


Sa laki ng network ni Macalintal, nagagawa niya ang mga proyektong tulad ng Hello Garci scandal. Sino ba ang totoong arkitekto ng Hello Garci, hindi ba isa siya sa mga nag-isip nyan?


Nang magkabulilyasuhan, tanging si Comelec commissioner Garcillano lamang ang nasisi.


Kung sa batas lamang ang paguusapan, walang kwestyon sa kakayahan ni Macalintal. Kung network lamang ang paguusapan, no. 1 sa mga kilala itong si Macalintal.


Sa tagal niya sa COMELEC, kasama na sa sistema itong si Macalintal. Kung maraming nagsasabihing bulok ang COMELEC, bahagi ng kabulukan itong si Macalintal. Paano ba niya naipapanalo ang mga kaso ng kanyang kliyente sa COMELEC gayung alam ng lahat gaano ito kabulok.


Hindi lamang election lawyer ni Ginang Arroyo ang naging papel ni Macalintal--minsan din siyang naging tagapagsalita ng palasyo. 


Hindi ba siya ang nagdepensa kay Ginang Arroyo sa kontrobersyal ng Le Cirque? Hindi ba itong si Macalintal ang nagsabing walang masamang gumastos ang pamahalaan ng mahigit 10 milyong piso para sa isang gabi ng piging sa Nueva York?


Kung paguusapan ang talino sa election law, mukhang no. 1 talaga si Macalintal. Pero kung moralidad ang pag-uusapan....


Gusto ba nating magkaroon ng isang COMELEC chairman na imoral? 


Teka, teka, mukhang nakapagtataka itong pakikipagusap ni Macalintal kay Ginoong Aquino. Hindi kaya heto ang kabayaran sa pagkapanalo nitong nakaraang eleksyon?


Kilalang may malakas na kapit kay Enrique Ricky Razon itong si Macalintal, at malakas ang ugong na naki-alam sa kampanya ni Aquino si Razon. Ano ang naging papel ni Macalintal sa pagkapanalo ni Noynoy, meron ba? 


Mr. President, sa dinami dami ng mas matitinong abogado sa Pinas, bakit naman pinagiisipan mong ihalal ang dalawa sa pinaka-maugat na abogado sa Comelec. 


Ang problema ng COMELEC ay hindi yung kaalaman nila sa election law. Ang problema sa Comelec ay yaong paggamit nila ng batas upang makagawa ng pera, o diretsahan, imoralidad. 


Ang kailangan natin sa COMELEC, isang diretso, me moralidad at me tapang na taong kakayaning patinuin ang sistema sa loob ng election body. 

No comments:

Post a Comment

Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!