Tatagalungin ko itong blog ko today.
Parang ganito lang yan.
Me kaibigan ka. Matagal mo nang kaibigan. Me lupa ka katabi ng kanya. Nang umalis ka, nagtayo ng iba't ibang istruktura sa lupa mo yung kaibigan mo. Nang umalma ka, sinabihan ka pa ng kaibigan mo na hindi ka puwedeng umangal dahil sa kanya ang lupa mo, na alam mo namang hindi totoo.
Nang tawagin mo ang isa mo pang kaibigan na mas malaki sa kanya, umurong ang kaibigan mo, pero hindi niya inalis ang mga istrukturang itinayo niya sa bakuran mo. Sa totoo lang, gusto pa nga niyang magpakawala ng mga asong aaligid ligid sa bakuran mo, para aniya protektahan ang mga istrukturang itinayo ng kaibigan mo.
Ngayon, heto ka, pagkatapos ng kontroversya at pagkatapos kang lait-laitin at kanyahin ang lupa mo, gusto mo namang sabihin sa kaibigan mo na dapat masosyo na lang kayo sa lupa mo.
Ganyan ang postura ngayon ng Pinas kontra Tsina--katanga-tanga.
Buti na lamang me Philippine Navy na hindi pumapayag at naroroon para protektahan ang interes ng taumbayan.
Malungkot at meron tayong mga lider gobyerno na okey lang sa kanilang bastos bastusin basta pera na ang usapan. Ilan kaya ang kumikita sa mga Intsik kapalit ng soberenya ng Pinas.
Parang si JDV, handang ibenta ang Pinas kapalit ng kakapiranggot na Rinbi.
No comments:
Post a Comment
Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!