Sa kabila ng malawakang pag-aliglahi sa boses ng masa, walang sumisigaw at walang nag-aalsa laban sa ginawang pambabastos ng Commission on Elections sa nakaraang halalan.
Isipin ninyo, sa beinte porsiyento lamang ng boto, prinuklama na ng Komisyong ito ang mga senador ng bayan. Kailan pa naging demokratiko ang maghalal ng mga taong beinte porsiyento lamang ng populasyon ang bumoto?
Sa iba't ibang dako ng bansa, hindi natinag ang mga dinastiyang pampulitiko ng mga naghaharing-uri. Naging isang bayarang katakut-takot ang eleksyon. Maging sa siyudad ng Quezon, nagpawala ng milyong milyong piso ang mga bataan ng isang Kongresista at kanyang mga galamay upang pumasok sa winning circle ang kanilang mga konsehal at mga representante sa bawat distrito.
Kung ang naghaharing-uri mismo ang bumababoy sa sistemang pangdemokratiko, ano na lamang hiyang maipapakita ng mga ito sa kanilang mga pamilya't anak? Kung ang naghaharing-uri mismo ang nag-aaliglahi sa sistemang pang-halalan, anong halaga ng sistemang ito sa buhay ng mga ordinaryong mamamayan?
Wala.
Ang halalan ay isang hungkag na prosesong nagtataguyod sa mga pamilyang nais kumontrol sa buhay ng bawat mamamayang Pinoy. Isa itong walang ka-kwenta kwentang ehersisyo na ang maaaring magandang idinudulot lamang ay ang muling pagpapawala ng perang ninakaw mula sa kaban ng mamamayan pabalik sa mga sektor na nangangailangan.
MIsmong isang political analyst at isang dating commissioner ng Comelec ang nagpatunay sa isang panayag sa telebisyon (sa ABS-CBN 2 during the election coverage), na isang paraan ang eleksyon upang mag launder ng pera ang mga mangungurakot ng bayan.
Ang perang kanilang nakukuha mula sa mga komisyon sa mga proyektong pambayan ay kanilang ginagamit sa halalan bilang isang porma ng laundering. Ito ay upang makaiwas sa matalas na mata ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Sa ating nangangarap ng pagbabago, dapat nating iwaksi na ang pag-asang dulot daw ng halalan. Pinanatili lamang ng naghaharing-uri ang halalan bilang isang pekeng paraan ng pagwawasto sa mga kabuluktutan at kawalang balintunaan ng mga pamilyang humahawak sa kayamanan ng bayan.
Ginagamit ang tradisyunal na media, mga business groups, at ilang mga dilawang NGO's at PO's upang magpinta ng isang canvas ng pag-asa gayung sa tinagal tagal ng ating Republika, pulos dayaan at kawalang hiyaan ang naidulot ng halalan.
Naaalala ko tuloy ang ginawang pambababoy at pagtataksil sa bayaning Andres Bonifacio.
Halalan ang ginawang behikulo upang siya'y kitlan ng kanyang buhay. Halalang binaboy ng mga unang Magdalo na pawang mga sekreta ng mga Kastilang tuso.
Kung walang aasahan sa sistemang ito, nasasaan ang tunay na paraan ng pagbabago.
Walang ibang sagot kundi sa pamamagitan ng isang nakapangyayaring rebolusyon. Ito lamang ang tanging paraan upang muling ibalik ang tunay na demokrasya sa bansang ito at makilala ang tunay na boses ng mga ordinaryong mamamayang patuloy na nasasadlak sa kahirapang dulot ng kawalang kahihiyan ng mga naghahari sa ating bayan.
Bakit pa mangangarap ang mga kilusan sa halalan gayong batid nilang dadayain lamang sila ng mga ilustradong ang buhay ay nasasadlak sa kadiliman.
Sinisisi ko ang mga kilusang rebolusyunaryo sa kanilang pag-abandona sa tunay na daan sa pagbabago. Nang sila ay sumali sa halalan, nawalan na siya ng kapangyarihang itaas ang antas ng pakikihamok at naging kasapakat ng mga naghaharing-uri sa pananatili ng pekeng larawan ng pag-asa.
May panahon pang gumising ang mga tunay na nakikibaka tungo sa pagbabago. May panahon pang muling tahakin ang tunay na daan tungo sa tunay na rebolusyon.
Good day! I could have sworn I've been to this site before but after browsing through some of the post I realized it's new to me.
ReplyDeleteAnyways, I'm definitely happy I found it and I'll be bookmarking and
checking back frequently!
Also visit my web site; トリーバーチ ショップ
Hi! I've been following your website for a long time now and finally got the bravery to go ahead and give you a shout out from Humble Tx! Just wanted to tell you keep up the fantastic work!
ReplyDeleteAlso visit my homepage ... ルブタン パンプス