Kung talagang matapang tong si Tatay Digong, bakit hindi niya kunin ang telecommunications gateway na pinagkakakitaan ngayon ng mga oligarkiya at hindi lamang ang pag-atake sa mga water concessionaire agreements?
Open secret naman na pag-aari itong gateway ng estado, ngunit sa ngayon tanging ang PLDT ng mga Pangilinan at Cojuangco ang kumikita mula dito. Hindi ba dahil mayroon na tayong DICT, panahon na para bawiin ito sa pribadong kamay?
Mahalagang bahagi ng demokrasya ang telekommunikasyon. Liban sa pagkain, tubig, at iba pang kasama sa hierarchy of needs, hindi mapapasubalian ang kahalagahan ng komunikasyon. Trilyong piso ang kinikita rito. HIndi ba dapat ang mga mamamayan ang makinabang dito at hindi ang PLDT?
HINDI NAMAN SOBRANG HIRAP AT SOBRANG TEKNIKAL ANG PAGMEMENTINI NG GATEWAY. Bakit ipinagkakatiwala ito ng pamahalaan sa pribadong kamay gayong malaki ang posibilidad na mahulog ito sa kontrol ng mga kaaway ng estado, lalo na ng China.
SULITIN NA AT ANGKININ NI TATAY DIGONG MAGING NG KANYANG MGA SARILING OLIGARKIYA ANG BUONG SERBISYO PUBLIKO SA PILIPINAS. ITO BA AY HUSTISYANG BIGAY O REGALO NI TATAY DIGONG SA MGA BUMOTO SA KANYA? OO.
ANG TANONG LAMANG--ME GULUGOD AT WALANG DAGA SA DIBDIB ANG PANGULO AT HANDA SIYANG MAKIPAG GERA SA MGA BIG BOYS DITO SA MAYNILA?
ABANGAN!
No comments:
Post a Comment
Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!