Kataka-taka bang "flavor of the month" ang mga oligarkiyang sina Ayala at Pangilinan? Sa ganang akin ay hindi. Nasasa likod ng Globe Telecommunications ang mga Ayala samantalang kontrolado naman ni Pangilinan ang PLDT/SMART--- mga katunggali sa negosyo ni Dennis Uy, ang batam-batang tagasuporta ni Tatay Digong noon pa mang alkalde siya ng Davao City.
Tanggap nating lahat na mayroong mabigat na pagkakasala sa taumbayan ang mga ito bunga ng kanilang pagprepresyo sa atin ng kani-kanilang mga serbisyo na madalas at hindi lamang minsan ay pagmamalabis na. Mayroon tayong pinakamalalang serbisyong pangtelekomunikasyon sa buong Asya Pasipiko, at kung ihahanay sa presyo ng serbisyong tubig sa ibang bansa, atin ang pinakamataas na presyo sa serbisyo ng tubig gayong sagana tayo sa mga likas na yamang tubig, isama pa rito na mayroon nang mga teknolohiyang naririyan na maaaring makapagpababa ng presyo.
Seryoso, mabigat at tunay nga lamang pahirap sa mamamayan ang katusuhang ginawang ito ng daalwang grupong ito at tama lamang na kasuhan sila at itapon sa piitan. NGUNIT, dahil tayo naman ay isang demokratikong lipunan, korte o hukuman ang tamang lugar o venue upang mapanagot ang mga ito.
Kataka-takang dakdak lamang ang pinagkakaabalahan ni Tatay Digong. Naghahamon ng away pero malaki ang kumpiyansa kong palabas lamang ito at sa totoo, hindi na ito kataka-taka para kay Digong. Marami na itong away na akala mo matapang pero me daga pala sa dibdib.
Nariyan noon pang siya ay mayor ng Davao, naghamon ito ng barilan sa isang media personality na ang pangalan ay lantad sa lahat. Tira ng tira kay Digong ang brodkaster na ito at dahil sa nawalan na rin ng depensa si Digong sa kanyang sarili, hinamon siya ng barilan itong taga media. HIndi masagot ni Digong bakit hindi siya dapat iturong mastermind sa pagpatay kay Jun Pala--ang dati niyang suporter na kung hindi dahil dito ay maaaring hindi niya napanalunan ang parka-alkalde ng Davao.
Pinadala si Waldy Carbonell ng National Press Club (NPC) sa Davao para mag imbestiga.
Akala siguro nitong si Digong na hindi siya papalagan nitong brodkaster. Pumayag itong makipangbarilan ala Western style, yun bagang darating ng pagkasikat ng araw, haharap sa kanyang katunggali at sa tapos ng pagbilang mula isa hanggang tatlo, ay kadyat itong bubunot ng kanyang baril usant patayin ang kalaban.
At naganap na nga.
ON time dumating si Waldy Carbonell sa harap ng Davao City hall nang alas 9 ng umaga, dala ang baril at dalawang magazine. Saksi ang mga media ng Davao sa kaganapan at hinintay nila ang alkalde ng mahigit labinglimang minuto.
Ni amino nitong si Tatay Digong ay tumiklop kay Waldy.
Ngayong pangulo, siguro mas matapang tapang na tong si Digong na ayon kay Atty. Homobono daza ay isang "boy-man" na hindi nakakalibot o nakararating sa isang lugar nang walang bodyguard.
No comments:
Post a Comment
Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!