Sunday, January 26, 2020

TOTOO BANG GALIT SI TATAY DIGONG SA MGA LUMABAG SA BATAS NA MGA AYALA AT PANGILINAN?

Naghahanap ba ng gulo si Pangulong Duterte o iyang rants nya laban sa mga Ayala at kay Manny Pangilinan ay isa lamang palabas o pakana upang makakuha ng ganansya sa mga ito? Sa kasaysayan, dalawa sa ating mga dating naging pangulo ang humamon sa tapang at lakas ng mga oligarkiyang ito, at sa kasamaang palad, kapwa sila napatalsik sa kapangyarihan.

Hindi na bago ang mga pamilyang ito sa taktikang ito ng mga nasa pamahalaan. Sa mga bayan bayanan at syudad, kadalasang taktika ng mga alkalde ang mga ganitong bagay---maggagalit-galitan upang makakuha ng ganansya para mismo sa mayor o sa mga alyado o kasapakat nito. Syempre, sino bang businessman ang hindi matatakot? Isinagawa ang mga batas para sa kaayusan ng lipunan ngunit karamihan dito ay mga patakarang minsan nang napatunayang isinagawa upang ipitin ang mga lehitimong pangangalakal. Kumbaga, kung merong AC-DC or attack and collect, defend and collect sa hanay ng mga peryodista, meron din nito sa mga pulitiko.

Hindi na basta-bastang pipityuging pulitiko si Digong--- sa kanyang pagtataya, siya na ang pinakamakapangyarihang pulitiko sa Pilipinas at kanya itong ipinamamarali hindi iisa kundi maraming beses. Pinapakete ito ng kanyang mga communication handlers bilang patawa, pero kung titignang mabuti, hindi na ito katawa-tawa kundi naging isang seryosong bagay na maging kay Digong. Kung ikukumpara nga tong si Tatay noon lamang pagkapanalo niya noong 2016 at sa kasalukuyan, malaki ang kanyang pagkakaiba. Tingin ko, kinain na siya ng kanyang kahambugan at naniwala na sa mga propaganda na lumabas at lumalabas mula mismo sa kanyang mga kaalyado at maging sa pamahalaan.

Batid din ng lahat na hindi rin naman basta na lamang nagmarakali ang Pangulo nang matuklasan nia ang mga di kaaya-ayang probisyon ng mga water contracts. Datihan nang lantad ang mga katotohanang ito sa Pangulo at sa edad niyang pitumput apat na may tatlumpung taon sa politika, imposibleng ang mga katotohanang ito ay ngayon lamang lumantad sa kanyang harapan.

May nilulutong gimmick itong si Digong na tinatakpan ng kanyang mga mabubulaklak na atak laban sa mga Ayala at Pangilinan. Siyempre, ang mga kasapakat niya, ang mga "economic" at "financial geniuses" na tulad nina Almendras, Diokno, at Medialdea kasama na ang mga kalabang oligarkiya ni Duterte kabilang na ang pinakamayamang oligarkiya, si Manny Villar, Dennis Uy, Lucio Co at iba pa ang nagsama-sama upang kumilos laban sa mga Ayala, Lopez at Pangilinan na itinuturing nang mga tradisyunal at matatagal nang kumukumpas ng direksyon ng bansang ito hindi lamang dekada kundi lampas sang dan taon na.

Ang malting katanungan--handa ba ang bansa sa isang nakapangyayaring kiskisan at banatan ng mga oligarkiyang ito? Sa katotohanan, hindi na ito bago at nagaganap ang labanan sa pagitan ng mga ito sa kani-kanilang mga boardrooms. Ngunit, ang pinagaawayan ngayon ay sang seryosong bagay, hindi lamant para kay Digong kundi para sa ating lahat na karaniwang Pilipino.

Nakaambang premyo sa labanang ito ang trilyon-trilyong pisong kaban ng bayan na galing sa pawis at dugo hindi lamang ng mga Pilipinong naririto kundi maging yaong nagpapa-alipin sa bang bansa. Hindi na pipitsugin ang paglalaro ng pampublikong yaman. Isa na itong seryosong bagay para sa mga oligarkiya na hindi kuntento sa kanilang kita sa pribadong merkado sa pamamagitan ng mataas na pagprepresyo sa kakapiranggot o mumong produkto o depektibo o walang binesang serbisyo.

Nilalaro na rin ng mga oligarkiya ang pampublikong kaperahan, hindi lamang pandagdag sa kani-kanilang kita kundi kadalasan dito na nila kinukuha ang kanilang kayamanan.

Ang mga katulad ni Tatay Digong ay itinuturing na gamit lamang para maitulak ang agenda ng mga mangangalakal o oligarkiyang nakapalibot sa kanya o yaong kanyang sinuportahan at pinalaki mula pa noong siya pa ay isang alkalde ng Davao. Maaaring nakikinabang din si Digong sa kaululang ito o magari ring hindi, ngunit ang malinaw pa sa sikat ng araw ay ang katotohanang nagagamit sa pampersonal na interes ang Tanggapan ng Kapanguluhan na sa katotohanan, ay sang pagmamalabis na sa kapangyarihan.

Halatado namang press release lamang ni Tatay Digong ang kanyang panay-panay na pagsasapubliko ng kanyang diumano'y "galit" sa mga Ayala at Pangilinan. Kasi kung may katotohanan ang kanyang bintang at mga binibitiwang akusasyon, naririyan ang Korte Suprema o kaya dili ang mga lokal na hukuman upang kanyang maisakatuparan ang kanyang diumano'y balak na pagpaparusa sa mga nagkakasalang oligarkiya.

KUNG MAY KATOTOHANAN ANG MGA GAWAING ITO NI TATAY DIGONG NGAYON LABAN SA MGA OLIKARIYANG ITO, HINDI NA NIYA ITO HIHIMUKING PUMIRMA NG BAGONG KONTRATA AT ALALAONG BAGA'Y KAKASUHAN NA NIYA ANG MGA ITO, ITATAPON SA KULUNGAN AT KANYA NANG PANGANGASIWAAN ANG SERBISYO NG PAGHAHATID NG TUBIG SA BAWAT GRIPO NG MGA PILIPINO. 

May kasabihan ang mga Pilipino--ANG PUTAK NG PUTAK KADALASAN WALANG LAMAN O HUNGKAG. 

Marami nang mga halimbawa ang nagpapatunay na BUMIBIGAY ITONG SI TATAY DIGONG. NARIRIYAN ANG KANYANG ATAKE SA MIGHTY CORPORATION NA PINAGBAYAD LAMANG NG KAKARIMPOT NA MULTA AT NAGPARAYA UPANG MABILI NG MURA NG MGA DAYUHANG MANGANGALAKAL NA MALAPIT KAY Dennis Uy.

NARIRIYAN ANG PAG-ATAKE NIYA KAY ROBERTO ONGPIN NA NAUWI NAMAN SA PAGBENTA NG KANYANG SHARES SA ISANG KORPORASYONG KALABAN NI Dennis Uy AT CONGRESSMAN ALBEE BENITEZ, ISA RING SUPORTER NI DIGONG.

HINDI NAMAN TAGO SA LAHAT ANG NGAYO'Y MAGANDANG PAGTITINGINAN NINA DIGONG AT LUCIO TAN NA INAKUSAHAN NI DIGONG NA MARAMING UTANG NA BUWIS SA PAMAHALAAN AT KUNG ANO-ANO PA. NGAYON ANG KRONI NOON NI MARCOS AY SIYA NANG KRONI NI DIGONG. 


No comments:

Post a Comment

Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!