Showing posts with label oil price hikes. Show all posts
Showing posts with label oil price hikes. Show all posts

Tuesday, April 26, 2011

Mamamayan Laban sa Oil Companies--isulong!

Bakit walang bayag o ngipin man lamang ang administrasyong Aquino laban sa mga umaabusong mga kumpanya ng langis? 


Hindi totoo ang sinasabi ni Deputy presidential spokesperson Abigail Valte, na inutil o walang magagawa ang pamahalaan laban sa mapaminsalang pagtataas ng presyo ng langis ng mga dambuhalang oil companies. May ngipin ang Oil Deregulation Law. Kayang magsampa ng kaso laban sa mga kumpanyang ito ang sinumang pamahalaan. Dangan nga lamang na ang mga kumpanya ng langis, sampu ng mga kumpanyang naglalako ng mga produktong "makasalanan" at "mapamuksa" ay siya ring malalaking financiers at lobbyists na nagpapa ambon ng regalo sa mga opisyal de gobyerno sa panahon ng "gipitan" kumbaga.


At tila sa kasaysayan ng pakikipagsambuwatan ng pamahalaan sa mga dambuhalang kumpanya ng langis, wala ni isa mang tagumpay na nakuha ang pamahalaan para sa ating mga naghihirap na mamamayan. Ang kakarimpot na umento, na siya lamang mumo sa kita ng mga kumpanyang ito ang palagiang pinamamarali ng pamahalaan sa panahong mainit ang dugo ng mamamayan. Ngunit, kung tutuusin, walang tagumpay ni isa lamang para sa taumbayan ang pamahalaan. 


Pansinin din na hindi lamang iisang panahon nilabag ng mga kumpanyang ito ang mga umiiral na batas ng ating pamahalaan. Halos panay-panay ang paglabag ng mga oil companies sa deregulation law. At sa bawat paglabag, inutil ang pamahalaang Aquino sa mga ito.


Kung nilalabag ng mga kumpanya ng langis ang batas, at tila talagang walang paggalang sa konsepto ng panlipunang kagalingan, anupa't ginagalang ng sambayanan ang mga kumpanyang ito?


Hamon ito sa mga tunay na nagmamahal sa Inang Bayan. Hamon ito sa mga rebolusyunaryo ng makabagong panahon.


Ngayong kompromiso na ang Akbayan at tila isang tutang sunud-sunuran sa Aquino Corporatist State (ACS), may maaasahan pa kayang tinig o sigaw o isang nakapangyayaring pangyayari sa ibang mga grupo, lalo na ang PM, Partido Lakas ng Masa (PLM), BayanMuna at Kadamay? 


May sigaw bang maririnig sa hanay ng Kilusang Mayo Uno, Bukluran ng Manggagawang Pilipio at ilan pang mga militanteng hanay? O nabusilan na rin ng mga matatamis na pangako mula sa administrasyong Aquino ang mga ito?


Nasaan ang mga tagapagtanggol ng panlipunang kagalingan? Nabusilan na ba ang kanilang mga bibig ng mga pangakong pulitikal? Nawalan na ba ng ideolohiyang giya ang kilusan?

Monday, July 14, 2008

Are we angry enough?


Drum rolls. Everyday we hear about young people going to the streets, even going out of their classrooms to protest against these oil prices hikes. Ibon Foundation just found out that we're being schemed at by giant oil companies, charging 12 pesos per liter more than they should.

Of course we know that. And it's being done to us almost everyday by this government since it started its illegal occupation of Malacanang.

The thing that I would like to point today is this--are we angry enough?

I say this because, unlike other controversy, this one hits right straight in our faces. Every week, we're being punched in the nose by giant oil companies reportedly wanting to recover their losses. Yet, we see those television ads running by the millions each day. Yet, we find this quite normal.

We sit as coach potatoes, listening to all those stuff being ranted about by militants and we find ourselves watching those ads which we actually pay for by our hard-earned monies. Hey, are we being masochists?

We get angry when cab drivers don't give us exact change but we never even bother to ask why government is getting at least 300 or 400 pesos everytime we fill up those gas tanks. I mean, come on, are we that stupid?

Government is scheming all over us yet we seem so helpless, so lame, so like sheep waiting to be slaughtered. Are we getting our money's worth for government services which seem so distant, so discordant and so overpriced?

Why are we putting those helmets when we hear those shouts of protest? Why are we going around about when there seems to be very serious problems waiting for solutions?

Are we waiting for heaven's fire to consume us first before we even rise up and start rehearsing those vocal cords?