Sinuportahan na ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga panawagan upang tutulan ang House Resolution 1109. Ayon sa CBCP, kinakailangang gumawa ng mga hakbang ang taumbayan upang iparating sa regimeng Arroyo ang malakas at marubdob na pagtutol sa balaking baguhin ang Konstitusyon ng ating bansa. Gayundin, ipinahayag din ng CBCP ang kanilang pagtutol sa balaking itayong muli ang isang diktadurya sa ating bansa.
Bagamat sumasang-ayon ako sa mapayapang mga pagkilos laban sa HR 1109 at sa rehimeng Arroyo, sa tingin ko ay hindi pa ito napapanahon. Epektibo lamang ang Gandhian method or yung non-violent approach kung nararamdaman na ng administrasyong ito ang ating lakas at ang potensyal o epekto ng pagwawalang-bahala kung hindi mapapahinuhod ang rehimen sa boses ng masa. Anong ibig kong sabihin?
Kailangang maramdaman ng rehimeng Arroyo na mayroong malakas na puwersang sasagupa sa kanila kung hindi nila ititigil ang kanilang balaking baguhin ang Saligang Batas o ang pagpapatupad ng batas militar. Sa ngayon, mahina pa ang puwersang pangsagupa sa rehimeng Arroyo.
Kailangang maipakita muna ang matibay na suporta ng mga armadong grupo, tulad ng mga sundalo at mga makabayang kasapi ng mga rebolusyunaryong grupo sa LUzon, Visayas at maging sa Mindanao sa mga panawagang laban sa rehimen. Kailangang magkaroon ng sabayang pagpapakita ng pakikiisa ang mga grupong ito sa malawakang hanay ng mga Pilipinong lalaban sa bumabalot na makapal na kadilimang dulot ng demonyitang sanggol.
Tulad ng mga naisulat ko na sa nakaraan, iisang wika lamang ang alam ng rehimeng ito at iyan ay karahasan. Isang bully itong si Mrs. Arroyo at hindi non-violence ang panlaban sa kanya.
Upang mapaluhod mo ang isang bully, kailangang kausapin mo siya ng mahinahon habang hawak mo ang isang baril sa iyong likuran. Ito ang pinaka matibay na stratehiya laban kay Arroyo. Ito ang nararapat na taktika laban kay Arroyo.
No comments:
Post a Comment
Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!