Parang hindi yata tama na, nakapatong na yung rapist mo, at naka-umang ang baril sa iyong sentido at unti-unti ka nang huhubaran eh ang sasabihin mo pa eh, ipaliwanag mo muna sa akin kung bakit mo ako gagahasain at anong gusto mong gawin sa akin? Isa itong kalokohan.
Tama na maging isang informed action ang gawin, ngunit, sa tingin ko, sapat na ang information campaign laban sa charter change. Sapat na rin ang ginagawang oposisyon laban sa HR 1109. Ang kailangang gawin ay ang pag-organisa ng taumbayan sa ilalim ng liderato ng mga tunay na rebolusyunaryo. Higit kailanman, hinog ang panahon tungo sa pagsasanib puwersa ng mga nasasa ligal at nasasa rebolusyunaryong kilusan upang makalikom ng sapat na puwersang mas malakas kaysa sa puwersa ng Estado.
Kailangang kumilos, hindi mag debate o mag diskursyon. Tapos na ang diskursyon at nararapat sa panahong ito ang sama-samang pagkilos tungo sa pagbabago.
Sa tunguhing ito, nararapat din na maghanda ang mga grupo sa posibilidad ng deklarasyon ng batas militar o at the least, a State of National Emergency. Inihahanda ng Estado ang kanyang sarili sa kaganapang ito at kailangang mas handa ang mga nais ng pagbabago sa ganitong sitwasyon.
Halimbawa, kung may armadong puwersa ang Estado, nararapat ding may armadong komponente ang kilusan ng pagbabago. Sa aking analisis, ang krisis na ito ang siyang magiging daan upang mapalakas na muli ang kilusa tungo sa pagbabago. Isa itong kasangkapan upang magkaisa ang mga beteranong rebolusyunaryo na pinaglayo ng magkakasalungat na ideya tungo sa tamang istratehiyang naaangkop sa sitwasyong Pilipino.
Hindi rin ako naniniwalang lalakas ang rehimeng Arroyo sa sandaling humupa ang galit ng taumbayan sa ginawang katalampasanan ng kanyang mga galamay. Sa aking palagay, hinog na ang panahon at handa na ang Sambayanang Pilipino na tapusin ang rehimeng ito.
Gagap din ng Sambayanang Pilipino ang pangangailangan sa armadong pakikibaka. Iyan ang naging aral ng 1959 Cuban revolution. Ayon kay Che Guevarra, walang epekto ang masang pangkilos sa lantad kung walang puwersang armadong sumusuporta dito. Wala ding epekto ang isang armadong puwersa kung walang partisipasyon ang masa.
Kaya naman, kailangang tumibay ang simbayotikong ugnayan ng masa at ng mga rebolusyunaryong grupo. Kailangan ding pangunahan ng mga tunay na rebolusyunaryo ang hakbanging patalsikin sa kapangyarihan ang rehimeng Arroyo.
Ngayon, ano ang tamang istrukturang pamalit sa rehimeng Arroyo? Basahin sa susunod kong artikulo.
No comments:
Post a Comment
Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!