Tuesday, August 11, 2009

Komunista dahil may kritisismo kay Arroyo?


Nagsisimula nang mag-panic ang Malacanang. Isipin ninyo, lahat ng mga bumabato kay Mrs. Gloria Arroyo ay binansagang komunista. Pati si Caffeine Sparks daw yata, ay komunista na.

Talagang ace hole talaga itong mga ito. Komunista na ba kung magpahayag ng disgust sa marangyang pagkain ng mga Arroyo sa isang restaurant sa New York?

Pagiging Komunista na bang matatawag kung punahin si Mrs. Arroyo na talikdan ang mga investments nito sa stock market at hilingin na mag divest siya ng mga interes sa negosyo dahil sa conflict of interest?

Komunista na ba kung punahin ng karamihan ang kawalang interes ng pamahalaang Arroyo na bakahin ang mga tiwali sa kanyang gobyerno?

At komunista na bang matatawag yaong nagagalit sa panay-panay na pagtataas ng presyo ng langis at kawalang ngipin ni Energy secretary Angelo Reyes na tutulan ang hindi makatarungang ginagawa ng mga dambuhalang oil companies?

Katalampalasanang matatawag ang astang ito ng Palasyo. Tunay na manhid sa damdamin at kalagayan ng taumbayan ang mga taong ito sa gobyernong Arroyo.
Kung ang pagmamahal sa Inang bayan ay komunismo. Kung ang paniniwala sa katarungan at katotohanan at komunismo. Kung ang pagsandig sa Tama at pag-iwas sa katiwalian at kamalian ay komunismo, siguro nga, ako, sampu ng libo-libong Pilipino dito sa internet ay mga komunista.
Mas mabuti na yun kesa tawaging gahaman at sakim sa kapangyarihan o GLORIATONNY.

No comments:

Post a Comment

Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!