In the interest of fair play, I am publishing here the complete transcript of the interview with "Robin", the alleged whistleblower behind the supposed HCOS PCOS machine operation. This is NOT TO GLAMORIZE THE ISSUE because even if you read the transcript, there is no concrete information that would prove fraud. What you'll read are just on how to do it, not exactly HOW THEY DID THE FRAUD. Even the instructions on how to execute such fraud is quite sketchy, even speculative.
However, I do not discount the possibility of certain COMELEC officials involved in this operation. I know of some "players" described here by "Robin" (or koala bear, the Locsin monicker given to him). One such "player" is a Maranao who serves now as one of the directors in the Comelec.
Apparently, this "Robin" or "Koala bear" character is just a small fry in the entire operations, since the only one who really knows the entire thing is what he calls "the consolidator". Who is this "consolidator", we don't know.
The entire interview, I must say, is just third-hand information or what we call " hearsay". He just "heard" that this and that or this person was offered, this person was not, etc. He simply was not there when the things he said reportedly happened.
However, Robin only identified one "consolidator" and according to him, it's BINAY. There was one instance where he met a Binay in a penthouse of the mayor in Makati. This is, yet to be verified.
BRIEF
What this whistleblower is saying is this:
The entire operation depends on three (3) things: one, the alleged "PCOS Player", which has two (2) meanings--an actual machine used by someone called "player". This actual machine is the one used to subvert the votes by altering the results during transmission.
For example, a certain precinct within the area of operation of the "player" is now transmitting the results. Three (3) minutes before the transmission, the "player" activates a jamming device. After jamming the signal, the operator then " activates the "PCOS PLAYER MACHINE". This PCOS player machine sends an alternate results to the COMELEC server.
Now, what has been feeded in this so-called 'PCOS PLAYER MACHINE" are of 2 forms: one, official ballots with "shaded" areas favoring the client and or pre-programmed results which were outputs from the pre-programmed compact flash cards. Remember that days before, all CFCs were replaced. The replacement, says another source, was bared to the media, as part of the operations.
So, to make the operation successful, certain things ought to be present at the time of the canvassing of votes:
1. Somebody inside the precincts who calls up the operator when it is time to intercept the transmission.
2. Somebody inside the BEI who then informs the operators involved if the voting already ended in the precincts if they can now transmit the results.
3. Complicity between members of the BEI and the "players" or "operators" on the replacement of the CFCs.
Transcript
Q: Paano naming itatago ang identity mo?
A: Robin.
A: Heto pong nakaraang election, ito po ata ang election na masasabi nating karumal dumal.Masasabi nating mas higit pang tinatawag na Garci. Sobra sa dagdag bawas at maraming maraming naapektuhang mga kandidato hindi lang po sa isang lugar. Napakarami po sa buong Pilipinas.. nationwide po operation niyan.
Q: Pwede mo bang ikuwento sa amin kung paano itong nadagdag na sinasabi mong nationwide operation?
A: Actually po 3 months bago mag election o more o less pa before election, planado na po ito. Alam na po kung tutuusin sino ang mananalo sa probinsya, bayan at distrito. At maging dito sa NCR.
Q: Unahin po muna natin 3 months before election. Sino po ang nag-ooperate o ano po tawag ?
A: Wala naman po kaming tawag, plain na pare operation. Walang po tawag oplan ganito, oplan ganoon. Basta yun pong mga operator pag bumaba na ng mga probinsiya at sorties kuno o nangangampanya kasabay na po niyan ang mga dapat kausapin sa mga pinuntahan nila. So para sa ganun, pagdating ng actual pagboto ng mga kawawang mamamayan, planado na.. pasok nang lahat kung baga ay luto na.
Q: Paano yun scheme?
A: 3 po scheme niyan , una yun ballot switching, ikalawa flash card na ready program at pangatlo yun direct transfer of vote from different provinces.
Q: Unahin po muna natin paano po yun ballot switching? Papano po?
A: PCOS machine po may laman na. Kaya po kung napupuna nyo minsan po especially sa mga areas na di nababalita eh wala silang kaalam alam na hocus PCOS machine, sa local usually yun ang ginagamit o kaya flash cards, pero sa national usually ang ginagamit direct transmission.
Q: Sige po isa isahin po natin para malinaw. Paano po nasasabi po na ang isang PCOS machine ang may laman na? Meron po ba kayong kopya ng detalye?
A: Actually po.. supposedly po may dadahil ngayon, unfortunately may dadalhin po ngayon kaya lang nawawala po yung isang kasama namin ngayon.. yung may hawak nung balota. Up to now di pa po tumatawag. Tinatawagan po namin kaya lang wala pong sagot. Siguro po wag naman pong may masamang nangyari, siguro maiprorpovide po naming kayo ng ganun.
Q: Papano po ginawa yun? Mayroon po kayong kopya ng sample ballot?
A: Hindi po sample yun, totoo pong balota yun. Kasi po yung sample ballot nabibili lang sa kalye, nakikita yun. Pero yung original ballot mayroon kami. Di lang sumasagot yung kasama naming babae na may hawak.
Q: San po nyo nakuha yun original na ballot?
A: Sa operation, excess. Mayron pa pong excess as of now 200,000 na ballot.
Q: Pero saan nanggaling sa pinaprint po ng Comelec?
A: Ay di ko po alam original din po eh kung ano number nung nasa kuwan na number din ng sa operation. Kaya po yun sa totoo lang wala pong kaalam-alam yung higher Comelec kasi ang kasama sa operation niyan yun mababang position sa Comelec.
Q: Pag sinabi nyo po mabababang position di po director level? Mas mababa pa?
A: Mas mababa pa.
Q: Parang rank and file?
A: Simple lang po kasi. Dagdag bawas na ito anybody can do it. Kahit elementary lang.
Q: Papano po ginagawa? Kayo po ba direktang ginagawa nyo ito?
A: Opo, sa operation po ako ng PCOS. Ang sistema po ng PCOS may counter part po sila na pag sinabi sa counter part na probinsiya na we are now starting to send our votes in our area, nakakasagot po nung yung isang kasama namin, tapos sasabihin sa akin 3 minutes ahead po tayo ng transmission. So sa 3 minutes ahead po ng transmission, yun pong provincial na pumapasok na nagtra-transmit di po na po tatanggapin nung nasa dulo ang tinatanggap po po yung andito kasi po the same number. Ang ina- acknowledge po yun galing sa direct ___ sa players PCOS.
Q: Ano po tawag?
A: Players PCOS.
Q: Ito po yung ginagamit nyo? Ilang players PCOS po ang ginagamit nyo?
A: Madami po e.
Q: Buong Pilipinas po ba?
A: Nationwide po yan. Marami po yan, pero yung pinaka talagang original PCOS, di po PCOS tawag dun eh, silver eh.. heavy duty po yun.
Q: Papano nyo po ginagawa yun? Di po ba buo na 3 mins before yung transmission papano nyo na-intercept?
A: Bibigyan ko kayo ng sample , yung small, medium, large size sa itlog. Yung small di pwedeng pumasok sa large. Yung large di pwede pumasok sa small. So pagpasok po ng transmission ng players PCOS naba- block na po provincial transmission, na hindi na ho alam sa dulo, kasi ang alam nila ang pumapasok yung galing sa probinsiya.. from the provinces kasi tumatawag sila na there is no transmitting the votes. Sasabayan na advance, para advance di na makapasok yung galing ng probinsiya ito yung maka-count.
Q: Papano nyo nasasabayan? Dahil ba sa malaking capacity noong machine, kumpara sa maliit?
A: Not actually, it is programmed. Pag pumasok ito automatic na di na makakapasok.. yun ang papasok na ito, pareho po ng memory yun eh. Pero po nakapasok dun na balota sa area sa Pangasinan, yun na pumapasok sa PCOS.
Q: Yun pong pinapasok nyo sa PCOS.. excess na balota na prinout ng Comelec?
A: No, its not. That is actually more than 15 million ballots.
Q: More than 15 million ballots?
A: Yun po ang binebenta sa market, yun 15 million na yun.
Q: Binebenta po sa?
A: Sa market, sa mga kandidato na gustong manalo kung gusto nyong manalo, kumuha kayo ng player.. senador na din kayo. Gusto mong mag gobernador? Kumuha ka ng player.
Q: Player po ang tawag sa kagaya nyo? Kung baga uunahan nyo po ang pagta-transmit?
A: Yes, 3 mins.
Q: Depende po yun kung ilang boto?
A: Opo. Alam po yan at tansiyado po saming balota kung ilan dapat ang lamang nya sa kalaban.
Q: Ilan po kayong players na involved sa ganitong_____ nationwide?
A: Napakadami po.
Q: Siguro mga ?
A: Di ko po mabilang kasi po ibat iba po kami ng assignment sa operation.
Q: Ilan po sa bawat lugar?
A: Sa bawat area may 12 po.
Q: 12 players per region po ba? Let say sa Lungsod ng QC?
A: Meron din.
Q: Sa Lungsod ng Makati?
A: Meron din.
Q: Sa lahat ng region?
A: Sa lahat, may isang control area, sa national po yung sa amin.
Q: So balikan ko po yun ballots na tina- transmit ulit nyo sa PCOS machine nanggagaling po sa excess ballots na mula po sa Comelec?
A: Di po excess ballot yun.
Q: Sabi nyo po kanina.
A: Di po. Original po yun eh, we do not know eh, iba po yun excess ballot. Ang sinasabi ko kanina mayron pa pong natitirang excess ballot, out of 15 million meron pang 200,000 excess more or less 200,000.
Q: Alam nyo po kung nasaan?
A: Andun po sa kasama naming nawawala.
Q: Pero hindi nyo po alam kung saan nanggaling yun 15 million na original ballots na ginamit na ninyo?
A: Yan po ang di natin alam, dinating na lang po sa amin yan.
Q: Sino po lumapit sa inyo? Papaano po nakuha kayo bilang player?
A: Well, matagal na po kaming player eh. Alam nila kung sino kakausapin at kung sino ang isasama.
Q: Sino po itong mga sino? Masasabi po bang taga Comelec po ba ito? Smarmatic?
A: Lahat po yan may taga Comelec pero wala pong smartmatic eh.
Q: Pero sa kabila.. meron pa po bang companya na involve dito? Yun pong venture link?
A: Nadinig ko lang yang Venture Link. Yung mga participation po nila di ko alam.
Q: Pero yung kumuha po sa inyo di nyo rin po alam kung diretsong taga Comelec?
A: Hindi.
Q: Kumbaga mayroon lang lumalapit sa grupo?
A: To work it out.
Q: Sino po lumapit sa inyo? Kilala nyo po ba? Taga gobyerno po?
A: Well, yung mga kasamahan as player.
Q: Ano ito pinag-aralan nyo ba?
A: Di na ho kailangan pag aralan. Simple lang po yan tawag at pindot. Pero kung ana-lysin nyo to.. IT expert masisira po kayo dyan.
Q: Bakit po sila masisira?
A: Simple lang po eh, ikot sila ng ikot kung saan san pero simple lang eh.. small, medium, large.
Q: Nabanggit nyo din po kanina, di po ba may pangalawang cf cards. Ano po yung ginawa nyo sa cf cards?
A: Ano na po yun programmed na. For sale na talaga yun sa market. Yun ibang kasamahan na players lalapit sa ibang pulitiko. Aalukin nung mga players. Pag nag ok program, aalamin kung ilan number ng botante.
Q: Dito sa sinasabi nyong nangyaring dagdag bawas, ilan po kaya.. yung may idea po ilan yung programmed sa cf cards.. pre-programmed kung saan saan ?
A: I don't know sa cf cards. Ang alam ko sa balota.
Q: Ilan po kaya?
A: Ang alam ko lang million yun. Pinaghati- hatian, more or less 15 million.. Pinaghati-hatian sa presidential, vice presidential, senatorial.
Q: isahin po natin yun sa presidential. Paano po sistema?
A: As what I have told you..ganon din, babawasan ang mga kandidatong kalaban. Hindi mananalo kahit gaano pa siya kasikat. Malaki ang nabawas dyan sa presidentiable.. si berde..kulay berde..si Gibo at si Erap at yung si Villanueva Eddie, Brother Eddie Villanueva.
Anim po kami. Anim kami.
Q: Ilang milyon po yung tinanggal sa kanila?
A: Malaki po eh. Kay Gibo malaki. Di ko mafigure out masyado pero supposed to be mananalo siya.
Q: Siya ang dapat na manalo?
A : Babawasan sila ng dalawang milyon, babawasan ng tatlong milyon. Si Gibo nasa more or less 5 to 6 million ang nabawas sa kanyang boto.Si Brother Eddie almost 3 million.Si Erap nasa 4 yata yun eh.
Q : Eh yung iba pa pong kandidato gaya ni Villar, nabawasan din ba yun?
A : Konti lang yun.. siguro nasa 3M lang yun..2.5 to 3M.
Q: Ano po ba ang instruction sa inyo? Bakit binawasan ito at kanino napunta?
A :Yung sa presidential inilagay yun kay dilaw. Kay Aquino.
Q: Ibig sabihin ba non…
A : Hindi.dapat sa kanya..kasi ang magiging boto sa kanya kaunti lang naman eh.Yung kay Noynoy supposed to be kaunti lang magiging boto niya. It should be either Gibo or Erap.
Q: Sino po ang una niyong nilapitan at kinausap?
A : May mga flyer po yan or consolidators. Basta po mga tao or kandidatong nakadikit Kay Gloria..syento porsyento po yan talo…bawas. Babaligtarin po yan.
Q:
A : Hindi po ako. Ang role ko po dyan is to follow their instructions of transmitting the votes. Whatever the instruction is..we just follow. May mga consolidators po yan. Ilan na po ngayon ang boto ni Aquino?
Siguro may konti akong discrepancies sa mga numbering kasi mabilisan po yan eh. Hindi ho yan move na mabagal..kailangan mabilis.Sometimes unrecorded na po namin yung mga number of votes na kinuha.
Q: Paano niyo po sya ginawa in such a way na may mga areas na parang impossible na matalo yung kandidato dahil malakas sila doon..balwarte nila yun. May instruction po ba na pati yun pakialaman?
A : Ganoon po ang nangyayari..pinakikialaman namin. Kailangan hindi po manalo ang kandidatong kadikit ni Gloria.
Q : Pero doon so sa Presidential..karamihan sa kandidato hindi kadikit si Gloria.
A : Eh yun ho ang gusto nila eh. May palagay po ako na yung consolidator eh gustong maging pangulo.
Q: Magkano ho ang offer sa kandidato kung gusto niyang manalo?
A : Bente pesos..twenty pesos per balota.
Q: Dito po sa kaso ni Senator Aquino sa pagkakaalam niyo,magkano po ang binayad?
A : Malaki po yun..kwentahin po ninyo..magsimula kayo sa 10M. Let’s say 10M multiply ninyo sa 20.00 pesos. More or less 2 billion.
Q: Ibig pong sabihin may nagbayad sa inyo ng 2 bilyon para po palakihin yung lamang..?
A : Hindi po sa akin nagbayad.. sa consolidator.
Q:
A :Hindi ko po alam kasi hanggang ngayon hindi pa kami binibigyan eh.
Q : Sa mga kandidato, alam naman po ng lahat na pinaka-mapera si Sen. Villar. Bakit hindi po siya unang inoperan ng consolidator?
A : Kauna-unahan po yung inoperan..kuripot po.
Q: Bakit po kuripot?
A : Presyo pong beinte, tatawaran ng lima. Hindi po yun nagmaterialized.
Q: Doon po kay Gibo..may nakipag-usap din ba sa kanya?
A : Wala pong nakipag-usap kay Gibo.
Q: Sino-sino lang po ang inoperan para masiguro ang pagkapanalo?
A : Si Villar pero hindi nagmaterialize. Siya lang po ang alam ko.
Q : Si Erap hindi po naoperan ?
A : Kay Erap po..wala kaming alam kung may nag-offer sa kanya. Ang alam lang namin..nabawasan siya ng boto. Nabiktima siya.
Q: So yung iba din pong kandidato, ganon din po?
A : Ganon din po sa ibang kandidato.
Q: So dito lumalabas na si Villar lang naoperan?
A : Kasi ang magkalaban sila ni Noynoy.
Q: Kung si Villar lang ang naoperan, bakit may operasyon na biglang si Noynoy ang papanalunin?
A : Mapera po yun eh.Yung consolidator po ang nakakaalam non.
Q: Ibig sabihin may offer din sa kampo ng mga Aquino?
A : Meron. Meron din. May mga players na nag-aalaga kay Aquino.
Q: So linawin ko lang po..sa presidential ang nilapitan lang ng consolidator ay Liberal at Nacionalista?
A : Opo..
Q: Tapos ang kumagat lang...halos 2 billion costing ay Liberal. Pero hindi nyo po alam kung sino sa Liberal ang kumausap?
A : Hindi po.
Q: Doon po sa vice presidential ibang usapan din po ba ito?
A : Iba din po yan.
Q: Sino sino po ang naoperan?
A : Naoperan? Wala naman pong naoperan..consolidator din po ang nag-aaproach.
Q: Sino sino po ang inalok ng consolidator?
A : Marami. Sa Vice presidentiable wala namang inaalok ang mga players pero ang consolidator is vice presidentiable.
Q: Sa pagkakaalam niyo, sino sino po ang inalok ng consolidator?
A : Binay.
Q: Inalok din si Binay? Magkano po ang alok kay Mayor Binay?
A : Beinte rin.
Q: 2 bilyon din?
A : No. 7 million lang ang allocation niya.
Q: Yung kandidato pong naoperan, siya po ang magsasabi kung ilang milyon ang gusto niya na madagdag sa kanya?
A : Opo..para siguradong manalo.
Q: Si Sen. Roxas po..?
A : May sarili pong player yun.
Q: Paano po may sariling player?
A : Yung nagbabantay ng kanyang mga boto..meron syang sariling player. I do not know their arrangement but may sarili silang player.
Q: May iba pong grupo na magdadagdag sa kanya o babantayan lang para di sya mabawasan ng boto?
A : Magbabantay lang para di sya mabawasan.
Q: Si Sen. Loren Legarda po..naoperahan din?
A : Hindi naman naoperan yan dahil wala naming pera yan pero malaki ang boto na nabawas sa kanya.
Q: Ilang milyon po kaya ang nabawas sa kanya?
A : More or less..four to five million.
Q: Saan po napunta ang 4 to 5 million na nabawas sa kanya?
A : Kay Binay.
Q: So dito po ba..ang sinasabi niyo..dahil napunta yun kay Binay, si Binay po ang kumagat sa offer ng consolidator?
A : Si Binay lang.
Q: Ano po ang naging arrangement nila sa kanya?
A : Ang pagkakaalam ko..twenty peson din yun eh. Doon sa 7 million, kailangan mapasok sa kanya yun..sa cost na twenty pesos.
Q: So halos 1 billion din yun?
A : 1.4.
Q: So ibig pong sabihin nagkaayos sila sa presyong 1.4?
A : Alam ko po nagkaayos sila.
Q: May idea kayo kung kelan?
A : Matagal na po yun.
Q : So kampo po mismo ni Mayor Binay ang nakausap ng consolidator?
A : Opo.
Q: Kumpleto na po ba ang bayad dito?
A : Di pa yata. I do not know kung kumpleto na kasi kung kumpleto yan, siguro mababayaran kami.
Q: Si former MMD chair Bayani Fernando?
A : Nabawasan din siya.
Q: Mga ilan milyon po?
A : Siguro nasa 1.7 to 1.8.
Q: Pero hindi siya naoperan?
A : Hindi.
Q: Hindi na dumating?
A : Hindi na dadating kasi alam ng player kung sino ang may pera.
Q: So ibig sabihin tatlong kandidato lang ang inalok sa pagka-presidente at bise president?
A : Sa vice, si Binay lang. Actually siya ang consolidator eh.
Q: Sino?
A : Si Binay.
Q: Siya ang consolidator?
A : Kaya bale wala din siguro ang ginastos niyan.
Q: Paanong siya?
A: Meron siyang sariling player.Let say Laguna, Pangasinan, Cordillera Autonomous Region, Region 4, NCR.
Q: Ito po yung areas na trinabaho nyo?
A: Trinabaho ko yan.
Q: Dito po kayo ngdagdag bawas?
A: Sa mga lugar na yan.
Q: Lahat po ba yung mga areas na ito panalo si Binay?
A: Panalo.
Q: Nang malaki?
A: Malaki.
Q: So basically yung binili niya na 7 million na boto..?
A: Scattered po yan.
Q: Yung sa mga senatorial?
A: Meron din.
Q: Sino-sino po ang bumili?
A: Si Recto at saka si Sotto.
Q: Magkano binili?
A:Iisa lang naman presyo niyan eh Presidentiable, Vice-presidentiable.
Q:Tag-ilan milyon po ang binili?
A: Marami,marami.Pag senatorial P10.00 lang.
Q: 10 lang?
A: Pag nalaman po ng tao to marami ang magtatanong kung nasaan ang ebidensya.
One thing na sinasabi ko they have to open the pcos. If they’re going to make protest it is very hard to prove yun anomaly kasi same number yung balota kung mag-oopen sila ng pcos malalaman nila.
Q: Yun po ba ang challenge ninyo sa COMELEC?
A: Well that is the challenge for them to prove the discrepancy and anomalies.
Q: Balikan ko lang po sa VP. Si Edu Manzano po ba nakasama sa…?
A: Hindi, wala.
Q: Doon po sa mga local officials meron po bang specific na kandidato nakasama sa mga dapat panalunin?
A: Sa gubernatorial race ng Laguna. The running governor was approached by other group, and he won the election.
Q: Sino po itong gov?
A: Si Ejercito.
Q: Sino po ang ino-feran?
A: Si Ejercito mismo.
Q: So namili po siya ng boto? Ilan po ang binili niya?
A: Wala po akong idea. Enough to win kasi ang Laguna has more or less 3 million ata.
Q: Pero dito po?
A: Mag-a-add lang po sa boto na makukuha na lets say nakakuha siya ng 500thousand which is not enough to win, idadagdag nalang po yan tapos ibabawas sa kalaban.
Q: si Ejercito po bumili ng boto pero di ba po ba it follows na ibili mo na rin yung kamag-anak mo na presidentiable?
A: Si Ejercito may sariling financer. Ito ang sinabi ng mga players na kumausap sa amin.
Q: So yung financer di sinama si Erap?
A: Hindi po siya sinama.
Q: Pero hindi po ba kayo nag-ano na siyempre marami ang magtataka na considered na balwarte ng mga kandidato nila, talo sila?
A: Kadalasan po lahat ng bailwick ng government talo sila. Si BF talo sa Marikina.
Ganon po talaga papalabasin para mawala ang sagabal for the future siguro. Pagdating diyan I don’t know for that level. Basta sumusunod lang kami sa utos.
Q: Baka gusto niyo po ng water?
A: Hindi na.Habang tumatagal lalong nagiging delikado. I hope you understand.
Q: Yes po we’ll make it quick. Tanong ko lang may binanggit kayo na mga local positions. May sinabi rin kayo na basta malapit kay Gloria talo, kasama po ba dito yung ibang members ng Cabinet niya?
A: Oo, specially si Ermita talo po yun dun, na imposible talo dun sa lugar na yun, eh bailwick niya yung lugar na yun.
Q: Saan po ito?
A: 1st district po yan sa Batangas po yan.
Q: So ibig sabihin po kasama po siya sa mga inoperate?
A: Ya, binawasan po siya. Baligtad po yung boto ng kalaban yun ang kanya.
Q: So ang naoferan po dito yung kalaban?
A: Yes yung kalaban, ang nag-oprete po niyan sina Recto.
Q: Eh di ba po may iba ding cabinet members gaya po ni Esperon?
A: Talo si Esperon. Yung grupo ng Pangasinan players ang nagworkout niya kaya talo din si Esperon.
Q: Bakit po ganun? May mga kandidato po ba na pinipili oferan bago yung mga kaalyado ng pangulo?
A: Eh kasi hindi na nila dapat pang offeren yung mga kaalaydo ng pangulo kasi the operation itself goes to the opposition, so yan ang sistema dyan, uunahin nila yung taga opposition. Pag kumagat, operate. Hindi na nagpupunta sa kabila.
Q: Uunahin parati yun taga opposition?
A: Besides sila ang ang may pera, yun sa kabila walang pera.
Q: Di ba po parang baliktad dahil mas malalim ang makinarya ng LAKAS?
A: Mas maganda ang makinarya ng Lakas pero anong magagawa nun pag pera na ang pinag-uusapan? Hihina yun.
Q: Nabangit niyo rin po kanina yung pakikipagusap sa mga Vice-presidentiables.Si Mayor Binay, siya rin po ba yung personal na nakikipagmititng sa grupo ninyo?
A: Mayroon siyang mga alipores, meron siyang mga tauhan na minsan naririnig ko yung mga pangalan.. Martinez, Caunan, at may isa pa di ko matandaan.
an po gingagawa tong miting?
A: I am not the one, grupo po yan. Usually sa penthouse sa Makati.
Q: Kailan po kayo huling nakipagmitng?
A: Matagal na before election, every now and then.
Q: Ano po nagtulak sa inyo? Bakit po kayo lumabas?
A: Unang- una nakakahiya man sabihin nakita po natin yung kagustuhan ng mga mamamayan na talagang magkaroon ng magandang resulta ang kanilang paghirap sa pagpila. May nag-cocolapse, may namatay pa. Para bang nakokonsensiya ako sa maga ginagawa ng mga players at mga may kagustuhan manalo at maupo sa poder. Para bang di maganda, kaya heto po ako. alam kong delikado buhay dapat na malaman ng sambayanang Pilipino ang tunay na nangyari.
Q: Possible po may mga iba na isipin na kaya niyo po ito ginagawa ay dahil sa hindi pa kayo nababayaran.
A: Isa na rin po yun, maghihirap ka tapos wala kang makukuha. At hindi lang po ako ang maaaring lumapit sa inyo marami pa po yan.
Q: So wala po bang ng udyok sa inyo? Maaring isipin nung iba na may mga kandidato na pakulo lang kayo.
A: Wala po, ganyan po talaga. Ganyan na po talaga ang usually sinasabi lalo na pag natalo ang kaddidato pag may ganitong lumalabas, palabas na yan, pakulo lang yan. Pero hindi po kami ganoon.
Q: Gaano niyo po katagal inisip na lalantad kayo?
A: After election.
Q: Isang buong araw na trinabaho niyo?
A: Opo.
Q: Meron po ba kami makikita na trend doon sa bilangan?
A: Isa lang po sasabihin namin sa inyo.. Laguna, Pangasinan, Region 4, NCR, itong QC. Iyan ang mga lugar na talagang grabe ang naging operation.
Q: Pero doon sa iba po, alam niyo po na may operation pero di niyo po alam kung gano kalawak?
A: Meron po sariling operator , napakarami pong operator.
Q: Paano po ba nabuo itong grupo ng mga operator?
A: Usually every election may operator.
Q: Pero ito po bang operator mapa-manual o automated?
A: Yes.
Q: So matagal na po kayo kasama sa ganitong kalakaran?
A: This is my second time.
Q: Saan po yun una? 2004?
A: 2007.
Q: Ganun din po nagkabilihan ng boto?
A: Every election day,di na rin mawawala yun. Kahit sabihin nila automation ngayon po ang pinakamadali at pinakasimple pero napakahirap i-prove na klase ng dagdag bawas.
Q: Bakit po nung 2007 hindi kayo lumantad?
A: We were subsidized, wala po kaming pagakataon na lumantad.
Q: Sa ngayon po na pinabayaan kayo tama po ba yun?
A: Sabihin nating ganun.. napabayaan.
Q: Kaya nagsasalita kayo?
A: Opo.
Q: May mga threats na po ba sa buhay niyo?
A: Meron na po.
Q: Masasabi nyo na delikado po kayo?
A: Delikadong delikado po buhay ko. Una at huling paglabas ko ito. Supposed to be may dala po akong balota. Di namin po makontak yung may hawak. Dati isang tawag lang nakasagot na siya, babae po siya.
Q: Ilang operators po kaya kayo?
A: Madami.
Q: Pwede nito po bang ipakita sa amin yung players pcos na ginamit niyo po sa operation?
A: It’s as simple as ABC. There’s no need, yung pcos kasi na sistema ng operation is something like this (shows papers)…they can transmit it itong tagadito hindi naman niya alam na yung nagtratransmit dun ito na yung lumalabas, ito yung pumapasok kasi the same number.
Q: Tska wala pong indication kung saan area ito?
A: Wala.
Q: Ano pong ginagamit niyo maliban dun sa players PCOS? May mga signal jammers ba kayo?
A: Wala po, wala telepono lang talaga.
Q: So cellphone lang talaga at itong mga pre-program na balota.
A: Yes.
Q: Ano po yan isa-isang pinapasok o nakaprogram na sa CF cards?
A: Yung iba nasa CF cards, yung iba nasa balota.
Q: Ano po yun para hindi halata?
A: Yes, simple.
Q: Meron po ba kayong panawagan sa publiko base dito sa nangyari?
A: Well isa lang po. Dapat maging vigilant ang mga mamayang Pilipino. Dapat itong nangyari nitong nakaraang election, dapat di na maulit kasi anybody can win the election basta may pera. Even the druglords.. lahat puwedeng manalo ka basta may pera ka, sa klase ng operation kaya sana di na po maulit.
Q: Willing po ba kayo makipagtulungan sakaling magkaroon ng imbestigasyon sa Senado o sa Congress?
A: I cannot do that. My life is at stake not only mine but my family. I know what would be the outcome and consequences.
Q: Nasan po kayo noong actual election?
A: Sa safe house.
Q: So sa isang safe house po to lahat ginagawa? Kayo po ay dedicated sa QC area?
A: Within this area.
Q: Pero kayong mga players di po kayo magkakakilala?
A: We don’t know each other pero sometimes nagkakawayan lang. Pero we don’t know the names.
Q: Balikan ko lang yung kanina po, sa Liberal party may idea po ba kayo kung sino kinakausap dun?
A: Actually it is only Mayor Binay.
Q: So possible ba na si Binay din ang nagpalagay ng pangalan ni Senator Noynoy?
A: Parang ganun eh, ganun ang nangayari, siya rin ang nag-workout.
Q: Hmmmm..
A: Kung hindi man kasi may mga player, sila very known personality.
Q: Sino po ito?
A: Do I have to tell the name? I don’t think so. That will add to the threat to my security.
Q: So sinasabi niyo po na may isa pa na mas superior?
A: Yes there is. Do I have to tell them? I don’t think so. Siguro some other time, some other venue.
Q: Basta hindi po ito diretsong konektado sa pulitiko. Yung mga nasa paligid nila except po sa case ni Mayor Binay na direstong nakikipag usap po sa mga nagcoconsolidate?
A: Yes.
Q: Sa case po ni Senator Villar? Siya personal na tumawag?
A: Yes may kasama siya, kapatid nya.
Q: Would you know the name?
A: No, abogado yata yun.
Q: Ito po last year pa po ba tong negotations na ito?
A: last year, it was August, July, August, September or something like that.
Q: So as early as last year nag-aalok na kayo? Naging final lang 3 mos. before the election?
A: Yes.
Q: May kinalaman po ba ito sa mga nai- report na sirang cf cards?
A: Oo. Sama- sama na yun. Hinahanap namin yun malaking ebidensiya yun.
Q: May nabawi ba?
A: Its not me, yung ibang grupo.
Q: So lahat po ng aberya ng before elections ay dahil sa grupo ng mga operators?
A: Connected po yun, may connection pero hindi lahat.
Q: Ilang players pcos po ang ginagamit?
A: Madami po yan, pero yung sa amin po.. yung ginagamit namin 6 lang. Pero iba ang kulay.
Q: Binili nyo po ito?
A: Siguro po binili kasi iba ang pangalan, iba ang tatak.
Q: Natatandaan niyo po ba ang tatak?
A: Di mababasa, basta ang nababasa lang namin ay kung saan kami pipindot.
Q: May translation?
A: Opo.
Q: So matagal ng nakatayo tong safe house. Tri-nain din po ba kayo?
A: Wala na. Sasabihin lang “oh 3 mins ahead” paki pindot lang ng pindot.
Q: So mismong araw na ng election kayo nagkita kita ng mga kasama mo?
A: hindi na. May mga areas sila eh.
Q: Sa safe house ilan po kayo ?
A: 7 .
Q: Doon lang po kayo nagkita kita?
A: (nods head in approval)
Q: So isa ang nawawala sa mga alam niyong kasama niyo?
A: Oo nawawala yung babae.
Q: Pero the rest po ok?
A: Ok sila. Yung iba ngayon nasa davao ata, kasi po yung ibang kasamang players may pinoprotektahan din silang local candidates kaya yung iba nasa probinsiya, ilan na lang kaming andito.. 4.
Q: Sinabi nyo po kanina yung sa balwarte, di ba po ba? Di niyo po ba naisip na baka lalo isipin ng mga tao na may dayaan dahil sa mismong balwarte nila talo pa rin sila.
A: That is what they want,
Q: Sino po nagdikta nung mga lugar?
A: Yung client.
Q: So may privilege po sila mamili ng lugar?
A: Yes of course, as long as they pay.
Q: As long as they pay? Paano sila makakasiguro na makakadeliver po kayo?
A: 100% we will deliver.
Q: Ang usapan po ba 50% downpayment?
A: Yes.
Q: So ang nakuha niyo po ay downpayment pa lang?
A: Wala pa kami nakuha. Yung operator lang namin ang may nakuha.
Q: Kahit downpayment po?
A: We got nothing. Kaming 7 operator wala pang binibigay.
Q: Pero nakarating po sa inyo na may downpayment na?
A: Meron meron, that’s the reason why we are doing this.
Q: Ano po ba yung dapat? Anong buwan po ba ibibigay dapat yung downpayment?
A: Well at least 1 to 2 weeks before election.
Q: So pagpasok ng May?
A: Yes.
Q: Tapos ang balanse po?
A: After na makadeliver.
Q: Sa lahat po na nakausap nyo wala po bang naging totoo sa mga sinabi nila?
A: Meron naman. May mga totoo naman, may nagbayad, nasa consolidator pa.
Q: May idea po ba kayo kung sino sino na yung nakakumpleto ng bayad?
A: Wala po akong idea.
Q: Like sina Senator Recto…?
A: Siguro sila. Kung mapupuna po ninyo paano siya mananalo eh galit ang mamamayan sa kanya dahil sa evat. Isipin niyo po.
Q: Sa kaso po ni Tito Sotto nagtataka ang lahat dahil nakailang subok na rin siya?
A: Yes. Kawawa dyan si Loren..
Q: Kung hindi po ba gagalawin, sino po ba ang mangunguna dyan sa VP race?
A: Loren.
Q: Si Sen.Mar po lahat po ba ng boto niya ay legitimate votes?
L: Some are legitimate, some are done by the players.
Q: Sa kagustuhan nilang protektahan yung mga boto nila?
A: Kasi pag kandidato ka dapat may player ka or you will not win the elections, kasi otherwise your votes will not be counted.
Q: So masasabi dito kawawa yung walang pera.. Gibo, Erap, Bro. Eddie, sa VP si Loren. Si Edu lang yung di nagalaw.
L: Yes, wala naman makukuha doon. Pag kinunan pa yun zero na yun.
Q: So pinag-aralan niyo rin po kung ilan yung kay ganito.. ilan yung kay ganyan? magkano yun ganito?
A: Yes may nag-aaral. There are some person na expert sa tally ng votes kung ilan ang dapat ikarga, idag-dag, ibawas bawas.
Q: Pero paano nyo po yun ano? Kumbaga tantiyahn lang dahil hindi pa naman nag-e-eleksiyon?
A: Di po tinatantya.. nakakarga na lahat.
Q: Ah ready na, inaasume niyo na si ganito ang iboboto dito?
A: Yes, wag lang pong sosobra sa number of voters, kasi pagsumobra dun sila madadale.
Q: So malinis?
A: Napakalinis ng pagkakagawa.
Q: Paano nyo nasabi na malaking malaki yung nabawas kay ganito, kay ganyan nakikita niyo po ba?
A: Nakikita po namin, may counter po , may numbering.
Q: May mabibigay po kayo na specific na lugar? Kunwari po yung Laguna, zero na po dapat si Aquino tapos nalagyan niyo pa ng boto may natatandaan po kayo?
A: Wala ako matandaan pag kasi sa local, nakafocus kami sa local candidates.
Q: Yung sa Quezon City, pagkapanalo ni Bautista and Belmonte may halo pong anomalya yun?
A: Fake. Malaking halong anomalya yan. Kawawa dyan si Defensor.Parang si Suzano. Stronghold nya ang 2nd district talo po siya dun with more than 500,000 votes.
Q: So inoperan po yan nung ng consolidate si Belmonte?
A: Yes Belmonte. Saan ka nakakita di nangangampanya nanalo? Parang si Tito Sotto, di naman nangampanya yan walang poster pero nanalo.
Q: Magkano po ang bibibigay sa local? Mas mura?
A: Ganun na rin po.
Q: Baka maaga na po sila na-apraoch kaya din a sila nangangampanya?
A: Well ganun na rin nga siguro, ganun ang nangyayari. What’s the use of campaigning if assured naman na ung number of votes mo?
Q: Sa kaso ni Mayor Binay, marami po siguro ang magtataka bakit siya nanalo?
A: Maraming nagtatanong bakit siya leading. In fact, andiyan si Mar Roxas, naghahabol. May mga player po kaya yung mga natitira pang bibilangin, tignan natin ano gagawin ng player ni Mar Roxas and player Mayor Binay.
Q: So you think itong mga di pa nabibilang na-tampered na?
A: Yes by both parties ang hindi lang po natin alam kung yung player ni Mar Roxas ay gumagawa ng kaparaanan.
Q: Pero nakabili na po si binay ng 7 million.Di ba po dapat sigurado na siya?
A: Kapos yung 7 million. Yan po ang pinag-aaralan nila ngayon kasi umaangal na po yung ibang players.
Q: So umaangal kasi di pa nababayaran?
A: Yes. Delikado sila pag natalo si Binay, parang pinaboran nila yung kabila. Delikado sila kay Binay.
Q: Bakit po sila delikado?
A: Siyempre po player din sila bakit nila pinabayaan? Ganun din po sa kabila kaya nagkakagulo sila ngayon which is which.
Q: Pero di ba po maliit nalang yung di pa nabibilang?
A: That is 5 million pa. Ilan lang ang lamang ni Binay, wala pang 1 million. So kung magaling si Roxas talo si Binay. Pag mas magaling ang pera ni Binay, talo si Roxas.
Q: Sa kaso po ba nila magkakaiba po ba ito? Halimbawa sa kaso po ni Mayor Binay, nagbayad po ba siya para lang sa sarili niya wala po ba siya pinalagay sa presidentiable?
A: Sama sama po lahat yun. Sa presidential meron din po siya nilagay out of that 7 million na binili niya.
Q: So posibleng si Sen.Aquino ang pinalagay niya.
A: (nods head in approval)
Q: Wala kayo narinig na si Erap ang inilagay niya doon?
A: Wala kaya nagtataka si Pres Erap, saan nanggaling yung 3 million votes ni Noynoy? Biglang umarangkada.
Q: Saan po galling?
A: Galing po yan dun sa natitira na 7 million.
Q: Sa 7 milllion na binili ni Binay meron siyang option kung sino ang gusto niyang makinabang na presidente?
A: Yes.
Q: Pero like po dun sa kampo ni Senator Aquino, presidente lang po ba ang kanila o kumuha din sila ng vice?
A: Naglagay din.
Q: Ah naglagay din. May idea po ba kayo kung sino?
A: Wala akong idea kasi actually ang role namin sa vice presidentiable pero kita din naming yung sa presidentiable na ganun ang operation dun malaki nakuha dun sa mga kalaban niyang president.
Q: Pero ako po kunwari bibili po ako ng 7 million meron din po akong privilege na maglagay ng Senators?
A: Yes.
Q: ah isang balota? Yung laman? Ah so pwdeng paghati hatian ng isang partido?
A: Yung 7 million votes.
Q: Uhhm, obviously sa kaso ni Mayor Binay iba ang lumabas?
A: Yes, marami siyang nakuhang boto kay Loren, kasi yung kay Mar Roxas ay protected.
Q: Paano po nasisiguro ng isang player na hindi papakialaman ng ibang player yung boto niya?
A: Nagtatawagan yang mga yan, mga players nagtatawagan yan. “Komprmiso ako dito, kompromiso ako dun, nakakompromiso ko ditto, wag mo papakialaman.
Q: Paano po yun, paano niyo po yun babawii ng last minute? Kunwari sa isang presinto, lamang si Senator Mar ng 1000 eh kailangang kailangan bawasan , paano po yun?
A: May arrangements na po yun sa mga players, Nagtatawagan lang naman yun before election day. Specially sa party list yan ang pinakakaperahan nila.
Q: Ah meron din sa partylist? Sino-sino may kilala po ba kayo?
A: Wala naman pero usually yan ang gatasan ng mga players, mahal yan sa mga partylist, P50.00.
Q: Bakit ho mas mahal?
A: Mahirap po makakuha sa number of votes.
Q: Kaya mas mataas yung presyo lalo na at hindi kilala yung partylist?
A: Yes mam.
Q: Pero pinag-aaralan niyo rin kung sino inaalok niyo sa mga partylist?
A: Yes ina-aproach din po ng grupo yan pag nalaman may pera may kapasidad go ahead.
Q: Sabi nyo po kanina di niyo kilala yung ibang involved, paano niyo po nasabi na wala pong mataas na official na taga COMELEC na involved?
A: Wala po ako nakikita, wala akong pangalang naririnig sa kanilang bibig na involved si ganoon, involved si ganito.
Q: Ano yun parang sinasabi na may mga taga-Comelec pero walang pangalan binibigay?
A: By phone alone, telepono lang nag uusap malalman mo na kung sino kausap.
Q: Wala pong familiar na pangalan?
A: Wala po.
Q: Pero pano niyo po nasabi na may mga taga-COMELEC?
A: Players po taga comelec yung baba.
Q: Ah mismong mga taga-comelec, yung mga kasama niyo po? Kayo po di po kayo taga-COMELEC?
A: What do you think? Hindi po.
Q: Pero yung venture link saan niyo po narinig?
A: Narinig ko po yun with a talk I had with Mayor Binay.
Q: Ano po siya?
A: IT company po yata siya that supply some machines.
Q: Yung pcos machine po?
A: Something like that, I don’t know…
Q: Hindi niyo po alam kung sa kanila nanggagling yung ibang players?
A: I do not know, I don’t have any idea pagdating sa pagbili.
Q: Pero noong nagkakaproblema po ba ang mga machines tinawag po ba sila?
A: Who? Venture link? Hindi naman.
Q: Yung pagpro-program sa flash cards di niyo po alam kung sino?
A: Di ko po alam kasi iba po yung sa department naming. Ang sa amin yung sa balota.
Q: Ano po yung sa inyo yung shaded na?
A: Shaded na.
Q: Sino po ang nagshashade?
A: Madami, dumadating po sa amin nakashade na.
Q: So ang pinakarole po ninyo kunwari may nagbagsak isang isang ballot box, subo lang kayo ng subo sa machine?
A: Yes madami po yun, nakasalansan lang yung mga balota with corresponding area.
Q: Tapos po sa isang area, 3 mins bago mag-ano dapat naipasok niyo na lahat?
A: Mabilis po yun. Mabilis tumakbo yung PCOS.
Q: Pero kaya po ba yun ng 3 mins before o pinapasok niyo na beforehand?
A: Mabilis po tumakbo yun pcos, continious po.
Q: Ano po day before o yung araw na yun?
A: Araw na yun, araw ng eleksiyon. Tatawag yun sa amin, we are now transmitting mabilis to, simple lang sa amin yun, yung PCOS namin can accommodate 24,000 to 30,000.
Q: Ballots sa isang takbuhan?
A: Yes sa isang takbuhan.
Q: So kunwari precint A nakasalasan na po yun? Pipindutin na lang?
A: Yes pipindutin na lang.. sometimes ginagamit namin yung flash card, yung programmed.
Q: Yung nakapre-programmed? So 2 klase?
As I have told you, 3 klase yan.. isang switching, flash cards, tsaka transmission.
Q: Ito pong switching na sinasabi niyo yung shaded na balota?
A: Yes yung shaded po.
Q: Yung flashcards, yung pre-programmed, yung transmission ito po yung uunahan ninyo?
A: Yes, uunahan namin in 3 mins.
Q: Parang sa pagkaakwento niyo po sobrang simple. Ganon po ba talaga kadali?
A: Simpleng- simple po pero mahirap i-prove.
Q: So dahil mahirap i-prove, so you are hoping meron po makinig sa inyo?
A: Sana po naman and I know there are people out there na lalabas at lalabas para masegundahan ang aking sinasabi.
Q: Is that an appeal sa mga kasamahan niyo po?
A: Not actually, if they really want to , theres no problem with that.
Q: Takot lang po sila sa safety nila?
A: Takot, parang ako din po, takot.
Q: Doble ingat na po kayo ngayon?
A: Di lang po doble.. triple ingat pa po. Boses lang, ganyan din ba kalalabasan ng boses ko?
Q: Pwde ko po ibahin.
A: Kindly please alam po nila boses ko. actual na boses at kung maari, request lang po para ibahin parang ngongo ba yun, alam nila boses ko
No comments:
Post a Comment
Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!