Isa lamang ako sa milyong Pilipinong nakinig at naluha nang ikwento ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino ang lagay ng ating Inang Bayan.
Hindi ko naiwasang naluha dahil kalunos-lunos na ang naging lagay ng ating Inang Bayan matapos ang siyam na taong pahirap ng dating rehimeng Arroyo.
Isa lamang ang mensahe para sa akin ng unang SONA ni Pangulong Aquino---ang kasakiman ng mga dating namuno sa ating bayan. Kasakimang dulot ng labis-labis at walang habas na pag-alispusta sa kapangyarihan.
Isipin na lamang na bilyong pisong halaga ng bigas ang nalustay habang 4 na milyong Pamilyang Pilipino ang nanatiling gutom at walang makain sa araw-araw. Ilang milyong kaban ng bigas na inangkat
Ilang milyong piso naman ang ipinabigay sa mga board members of MWSS bilang labis-labis na bayad mula sa kaban ng bayan. Ito ang mga pangalan ng mga nangisawsaw sa pinaghirapang pera ng taumbayan.
Gabriel S. Claudio,CHAIRMAN
Diosdado Jose M. Allado, VICE CHAIRMAN
DIRECTORS
Dir. Aurora R. Arnaez
Dir. Lorenzo S. Sulaik
Dir. Alfred C. Reyes
Dir. Ferdinand P. Mahusay
Tandaan natin ang mga pangalang ito, sampu ng kanilang mga pamilya---ang mga ito ay nakinabang ng lubos sa ating mga pinaghirapang buwis at kung makikita natin sila sa daan, papanagutin natin sila sa kanilang mga kasalanang laban sa bayan.
Kung mayroon pa silang hiya sa kanilang katawan, nawa'y magbitiw na sila sa kanilang mga tungkulin. O kung hindi, nararapat nang maki-alam ng mga Bayaning Pinoy upang isa-isa silang mawala sa serbisyong bayan.
Ilang bilyong piso rin ang sinayang ng mga dating opisyales ng Napocor na nagbenta ng palugi sa Meralco sa kasagsagan ng eleksyon noong panahon ni Arroyo.
Ito ang mga kadahilanan kung bakit mahal ang presyo ng bigas, mahal ang presyo ng tubig at mahal ang presyo ng kuryente.
Kasakiman na ang nararapat na kaparusahan ay walang hanggang kamatayan sa mga nagtaksil sa taumbayan.
No comments:
Post a Comment
Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!