In 2003, a group of idealistic young men whose bonds are as strong as steel, met and discussed the existing conditions of this country. They met ostensibly to mobilize the biggest forces in the Universe and direct all these forces toward real change in the Philippines. We were able to build a partylist organisation out of this desire for change. However, our hopes were dashed when we lost in the 2004 and 2007 elections, mainly because we did not play the game, so to speak.
We hoped for change but change, as we see it now, will only matter through dominance of the political landscape.
I lifted one of the articles I wrote explaining to every body what The Bagong Tao MOvement is all about. The one I wrote way back in 2004 remains relevant today.
Fact is, way back then, before using the Philippine flag and the Philippine map became vogue in t-shirts and fashion, the Bagong Tao Movement has already used these symbolisms to graphically show its principles.
Mabuhay ang Bagong Tao Movement!
Arriva Tau Gamma Phi!
THE BAGONG TAO MOVEMENT AND THE NEED FOR A NEW KATIPUNAN by Bro. Richard Rivera Grand Triskelion UP Diliman, 1993 UP-Diliman 1990
Oct 24, '09 4:13 AM
for everyone
The recent Makati siege staged by the Magdalo group, an organization of young, idealistic junior officers of the Armed Forces of the Philippines, is a wake-up call not only for the administration of Mrs. Gloria Macapagal-Arroyo but more so, to all of us. It is a cry for all of us Filipinos to start re-discovering ourselves, open our eyes to our true state of affairs and rise up to seize the moment for change.
Their cries of frustration still reverberate throughout the land. Change is what they are after! Not cosmetic changes in the socio-political structure. No. These officers want substantial changes, not because they want power. They want change because they see no hope in the Motherland.
Like the rest of us, they have lost confidence in the ability of the present set of leaders to solve the basic problems of Filipino society. Rampant graft and corruption, poverty and injustice continue to haunt the lives of every Filipino. The idealistic soldiers of the people want change. Not because they want to grab power from Arroyo. No. Arroyo can have all the time of her puny life to enjoy the perks of being in Malacanang.
What these idealistic officers want is to correct the historical mistakes made by our present set of leaders so that hope, may, bloom in this parched land of ours. Hope is what makes a nation move towards development. Hope is what inspires people to contribute towards social development.
We have lost this crucial element due to the ineptitude of our present set of leaders. What these idealistic soldiers did was to open our eyes to the truth and put some hope in our hearts that, yes, there is still some people out there willing to die for us and who share our same passion for change.
An Urgent Call for Change
There is an urgent need for change in Philippine society. The reason why our country has not progressed since attaining political independence in 1946 can be simply explained by one thing: our political backwardness.
Our society remains a semi-colonial and semi-industrialized one. We have a government that continues to subscribe to the policies and politics of its previous colonial masters. We have a societal power structure that is being governed or ruled by a few traditional families. For a population of 80 million, power is concentrated in the hands of a few politico-economic elites who think of their own fiduciary interests instead of the interests of the society as a whole. And we have a culture that cannot be said to be totally or wholly “Filipino” but rather a culture that is an “indigenous” interpretation of the Western model.
Our history is replete with revolts and revolutions. The Filipino masses have tried to institute changes to effect a reversal of this power structure. The revolutions of 1896, the Hukbalahap movement and the subsequent establishment of a People’s Party are indications of social restiveness.
The elite tried to downplay these revolutions by undertaking “pseudo-revolutions” like the two EDSAs. These mutinies or coups were given a new image---that of being “peaceful” revolts. There was a change in the political power structure but the conditions which breed revolts and revolutions continue. Due to the shallow ideological foundations of these revolts, there has been no substantial change in the prevailing conditions in Philippine society.
The new elite (those who deposed the pre-EDSA elites led by Marcos and his cronies) entered into the political picture. These elites tried to assuage the feelings of the masses by engaging in a new image—that of being social democrats. True to their nature as political chameleons, they tried desperately to institute some changes in the politico-economic superstructure. However, due to their innate nature as enemies of change, nothing happened in their attempts.
The reason is obvious---there were no attempts at all to totally change the whole politico-economic superstructure. What has been achieved was the creation of a new elite from the dormant class of middle-income families. Since these families lack the necessary ideological foundation and belong to the bourgeoisie, their very nature prevented them from instituting drastic and revolutionary changes in our condition. Sure, there was a change in the basic laws of the land. But the primary engines of underdevelopment remain in operation. Despite the laws they so arduously tried to implement, poverty, graft and corruption and injustice remain.
These set of leaders have been given their chances. They have been allowed to govern us for so long. And they have bungled it. More than ever, they represent the vilest, most corrupt segments of our society. They are the symbols of our degradation as a nation. Their old ideas of governance led us to this despicable situation. Our underdevelopment remains their foremost historical legacy. They must be convinced to step down so that us, the Filipino Youth, will be able to repair the damage they have wrought to us.
Now is the time for the Youth to accept its responsibilities and lead the movement towards substantial societal changes. As we say: “Bagong Tao, Bagong Liderato, Bagong Pag-asa”! This is our mandate. This is our commitment.
Our Urgent Task: A New Katipunan
The sacrifice of these junior officers was not in vain. As 1st LT SG Antonio Trillanes IV said before being hauled to barracks, they will accept their fate, knowing that they were able to sow the seeds of change.
Trillanes was right. Sure, their sacrifice was indeed, a victory for the Filipino People. What Trillanes did not realize however, is the fact that what they did was to continue the revolution started by Bonifacio in 1896. Bonifacio was the first Filipino to plant the seeds of enlightenment among us Filipinos. Trillanes and the Magdalo Group were not the first ones. They belong to the illustrious tradition of young Filipino heroes who are willing to die for their country to see the dawn of a New Philippines.
And what are these seeds that Trillanes talked about? It is the seeds of brotherhood, of unselfish love of country and concern for fellow Filipinos. It is the seeds of dissent, and of meaningful change.
It is our duty therefore, to cultivate these seeds by building a strong brotherhood or Katipunan among the Filipino Youth. Every Filipino must struggle towards unifying the disparate members of the Filipino Youth sector so that they may be valuable catalysts for change.
The voice of the Youth has been heard before, during the 1896 and 2001 revolts. Now, more than ever, the Motherland needs the Youth to once more create history. Let the Youth water these seeds with their souls, so that they may be strong cedars of the New Philippines.
Bagong Tao Movement as the New Katipunan
This is what the Bagong Tao Movement wants to be---we want to be the new leaders in this Brotherhood for change or Katipunan ng Pagbabago. The Bagong Tao Movement wants to unify all Filipino Youth.
Simply put, the Bagong Tao Movement stands for change---change within the individual as well as meaningful socio-cultural and political changes. We believe that in order to institute substantial changes in society, we must first change the attitudes of the individual. He/she must subscribe to the three governing principles. And being a multi-sectoral organization, the Bagong Tao Movement welcomes all forces in Philippine society desirous for change. Though the Youth comprises the bulk of our constituency, we believe that every able-bodied Filipino who wants to make his mark in history must be made to contribute.
What is the primary objective of the Movement?
The primary objective of the Movement is to foster a strong bond of brotherhood among the Youth. We believe that through a strong Youth Movement, we can institute changes within our society. The Youth is the only progressive sector in our society. Imbued with idealism, the Youth is the only moral and logical one to lead the Filipino masses towards change.
The Filipino Youth must first be a strong and unified sector in Filipino society. Every youth must share the same passion---to change Filipino society for the better. Every Filipino youth must recognize his leadership role. He/she must share the passion of the Movement---the passion to lead the movement for change.
The Bagong Tao Movement will campaign for the complete eradication of graft and corruption in Filipino society. The Movement believes that the core problem in Philippine society lies in the inability of the system to protect itself from corruption. This problem has permeated in all sectors of society that it seems hopeless.
We believe that there is still hope left for the Filipino masses. The Bagong Tao Movement strives to change the thinking of the Filipino by instilling in them the principles of love of God, of country, of family and of self.
As a concrete program of action, the Movement will start campaigning for the eradication of drug addiction in Philippine society. We will unite the Filipino Youth by involving them in activities that will reduce the demand for drugs among its ranks.
To reduce the demand for drugs, we propose to INSTILL DISCIPLINE AMONG THE YOUTH. WE WILL ENCOURAGE THEM TO INDULGE AND ENGAGE IN SPORTS ACTIVITIES, PARTICULARLY MARTIAL ARTS. WE WILL ALSO INVOLVE THEM IN ENVIRONMENTAL ACTIVITIES, LEADERSHIP TRAINING SEMINARS AND PUBLIC MANAGEMENT COURSES.
IT IS TIME FOR THE YOUTH TO HOLD THE REINS OF THE MOVEMENT FOR CHANGE. IT IS TIME FOR THE YOUTH TO ACT AS ONE STRONG INDIVIDUAL.
“ Ang Pangangailangan sa Kilusang Bagong Tao”
Ano ang ibig sabihin natin ng Bagong Tao?
Ang konsepto ng “Bagong Tao” o “New Man” sa Ingles ay ipinapakahulugan ng isang estado ng pagkakalalang ng isang indibidwal na mayroong dalawang basehang kalagayan: a. Indibidwal at b. pang-bayan.
Kapagka sinabi nating “Bagong Tao” , siya ay isang Pilipinong may pagkilala sa kanyang mga karapatan bilang isang indibidwal ngunit bahagi ng lipunan o pangkalahatang uniberso ng mga ideya, pulitikal man o hindi. Nakaugat ang konsepto sa pagkilala sa bahagi ng transpormasyon o pagdaan sa isang proseso ng pagbabago ng isang indibidwal.
Para sa mga kasapi ng Bagong Tao Movement, upang magkaroon ng tunay na pagbabago sa lipunang Pilipino, kinakailangang simulan ito sa pagbabagong panloob. Kapag sinabi nating pagbabagong panloob, nangangahulugan ito ng kumpletong transpormasyon ng isang indibidwal mula sa kanyang kasalukuyang abang kalagayan tungo sa isang kalagayang may pakinabang siya sa lipunan. Kinikilala ng kilusan na nagsisimula sa grupo o katipunan ng mga “Bagong Tao” ang maaaring mga pagbabagong kailangang maganap sa isang lipunan tulad ng Pilipinas. Ngunit, ang tanong ng karamihan, ano-ano ang mga nararapat baguhin sa kasalukuyang Pilipino para masabing mayroon nang nalikhang “Bagong Tao”?
Tunguhin ng Bagong Tao Movement ang palaganapin ang tatlong mahahalagang prinsipyo sa paglikha ng isang “Bagong Tao”. Ang unang prinsipyo ay ang pagkilala sa kapangyarihan ng isang Lumikha. Bakit mahalaga ito? Sapagkat ang pagkilala sa isang Lumikha ay siyang basehan ng pagkilala rin sa mga batas o alituntuning nais ipatupad sa tao ng Lumikhang ito. Halimbawa, sa Qu’ran o sa Bibliya, iisa ang tunguhin ng mga sumulat---ang magkaroon ng isang kabanal-banalang pamumuhay ang mga tao ayon sa pagkilala sa mga karapatan niya bilang indibidwal at pagkilala rin sa karapatan ng iba. Kung ang isang indibidwal ay kumikilala sa Iisang Dios na Lumikha ng lahat, susundin niya ang mga batas moralidad o moral code na siyang nais ipatupad ng Lumikhang ito.
Sa pagkakaroon ng paniniwalang pang-Lumikha, magiging matapat na alagad o tagasunod ang indibidwal na ito sa moral code. Tatalikdan niya ang lahat ng mga gawaing makakasama sa kanyang kapwa tao. Mamumuhay siya ng may konsiderasyon sa karapatan o pamumuhay ng iba. At magiging maayos ang kanyang pamumuhay batay sa ipinapatupad na batas pang-moralidad ng Iisang Dios na ito.
Kapagka naitimo na sa kanyang puso at isipan ang moralidad at pagmamahal sa kapwa-tao, darating naman tayo sa ikalawang prinsipyo ng kilusan---ang pagmamahal sa Inang Bayan. Lahat ng kasapi ng Bagong Tao Movement ay naghahangad na makalikha ng isang Lipunang salat sa kahirapan, kawalang katarungan at katiwalian. Naniniwala ang Bagong Tao Movement na ang tunay na ugat ng ating kalunos-lunos na kinasasapitan sa kasalukuyan ay ang ating kawalang pagkakaisa.
Kinikilala ng Bagong Tao Movement na walang pagkakaisa sa bawat Pilipino sa ngayon dahil hindi mailinaw sa taumbayan kung bakit kailangang magkaisa. Magkakaisa ba tayo upang itaguyod ang interes ng mga elitista o gobyerno? Nagkakaisa ba tayo dahil lamang sa kulay ng ating balat o dugong nananalantay sa ating mga ugat? O nagkakaisa tayo dahil kailangan nating baguhin ang ating sistemang panlipunan upang magkaroon tayo ng mas magandang kalagayang pambayan?
Naniniwala ang Bagong Tao Movement na ang batayang dahilan ng pagkakaisa ay nararapat nakasandig sa pagkakapatiran o “brotherhood”. Pinalalaganap ng Bagong Tao Movement ang isang panibagong KATIPUNAN ng mga kabataang may marubdob na hangaring maging isang BANSA ang Pilipinas. Ang tanong, ano naman ang sandigan ng pagkakapatiran?
Tatlo ang aming pinanunukalang nararapat maging sandigan ng pagkakapatiran ng mga “Bagong Tao”. Una, ang ating paniniwala sa pagkakaroon ng sariling pagpapasya ang mga tao o “FREE WILL”. Ikalawa, ang ating paniniwala sa konsepto ng FORTIS na siyang isa sa mga unibersong prinsipyo. At ikatlo, ang ating paniniwala tungo sa isang matatag na kapatiran o “BROTHERHOOD”.
Kung ang bawat isa ay maninindigan lamang sa pagpapatupad ng mga batayang prinsipyong ito, maaaring ituring na rin niya ang kanyang sarili bilang bahagi ng Bagong Katipunan.
Ang panghuling prinsipyo ang ang pagmamahal sa pamilya. Kung itinuturing mo ang iyong sarili bilang bagong tao, kinakailangang bigyan mo ng pagpapahalaga ang iyong pamilya. Ngunit, mahalaga ring ikonsidera ng mga kasapi ng Bagong Tao Movement na ang interes ng sambayanan ang mas mataas na interes kaysa sa interes ng kanyang pamilya. Sa sandaling magkaroon ng magkasalungat na interes ang dalawang ito at mauwi sa banggaan, mas pipiliin ng Bagong tao ang kanyang bayan o kolektibo bago ang interes ng kanyang pamilya.
Ang isang Bagong Tao rin ay may pakilala sa kanyang tunay na kalinangan, mga karapatan, gayundin may pagpapahalaga sa kanyang kalayaan. Kinikilala niya na bagamat siya ay isang indibidwal, bahagi siya ng isang malawak na hanay ng mga nagnanais na magkaroon ng maayos na pamumuhay ang lahat. Kinikilala rin niya ang pagwawaksi sa mga lumang teorya o ideya sa pamamahala at may responsabilidad ang lahat na pumanday ng isang pamahalaang bago.
Sabi nga ng isa sa mga tagapagtatag ng Bagong Tao Movement na si Ka Dante Lagman, ang isang “Bagong Tao” ay MAKABAGO at NAGBABAGO. Makabago dahil siya ay dumaan sa proseso ng transpormasyon o pagbabagong panloob. NAGBABAGO sapagkat anumang mga bagong ideyang kanyang ipinagbago ay nararapat lamang na maging daan tungo sa pagbabago ng kanyang lipunang ginagalawan.
Bakit kailangang magkaroon ng BAGONG TAO Movement?
Isang rebelasyon sa ating lahat ang ginawang sakripisyo ng mga kasapi ng Magdalo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas kamakailan. Tunay nga, na marami sa ating mga kababayan ang nagising sa katotohanang malala na ang kalagayan ng ating bansa. Ipinakita ng mga makabayang sundalo ng bayan ang kanilang marubdob na pagnanais na baguhin na ang sistema ng ating pamahalaan sapagkat ito ang siyang sanhi ng lumalalang sakit ng lipunan.
Tayo rin sa Bagong Tao Movement ay mayroong ganitong pananaw. Tayo rin ay sawa na sa umiiral na kabulukang ito ng ating lipunan. Ang sistemang umiiral sa atin ngayon ay hindi nakasasapat o nakakatugon sa mga batayang pangangailangan ng Sambayanang Pilipinas. Katunayan, batid natin ang laganap na kahirapan, katiwalian at kawalang katarungan.Dama natin sa ngayon ang hilahod at hikahos na pamumuhay ng mahigit 80% ng ating mga kapwa Pilipino.
Hindi nakakatugon ang sistema sapagkat pinamumunuan ito ng mga pulitikong may lumang ideya hinggil sa pamamahala sa pamahalaan. Masyadong tradisyunal ang lipunang Pilipino. Nagbago na ang mga kanugnog na bansa sa rehiyong Asya-Pasipiko ngunit nananatilingbangkarote at walang pagbabago sa Pilipinas. Sa madaling salita, napag-iwanan na ang lipunang Pilipino.
Bangkarote ang lipunan sapagkat walang saysay o walang nagagawang mabuti ang pamunuan ng pamahalaan. Hindi na rin maaasahang magbabago pa ang kaisipan ng mga tradisyunal na pulitikong ito sa pamahalaan sapagkat ilang daang taon na silang nagpapasasa sa kanilang mga poder. Gayundin, binigyan na sila ng pagkakataong maglingkod para sa kapakanan ng nakararami ngunit hindi sila nagtagumpay. Panahon na para sa kabataan na umaksyon upang sagipin ang sitwasyon. Tanging sa pangunguna lamang ng mga kabataan magkakaroon ng mahalagang pagbabago sa ating lipunan.
Ano ang kalikasan ng kilusang Bagong Tao?
Unang-una, ang Bagong Tao Movement ay isang multi-sektoral na organisasyong pinamumunuhan ng mga kabataan at mga mamamayang may pagmamahal sa Inang-Bayan. Hangad ng Bagong Tao Movement ang pagbabago sa lipunang Pilipino sa pamamagitan ng paghawak ng timon sa kilusan ng pagbabago. Ibig sabihin, tunguhin ng kilusang ito na baguhin ang sistemang pampulitika at pang-lipunan sa pamamagitan ng pagpapakilala ng bagong pananaw sa pamamahala.
Naniniwala ang Bagong Tao Movement na sapat na ang panahong ibinigay sa mga tradisyunal na pulitiko na magsagawa ng mga pagbabago sa polisiya ng pamahalaan. Ngunit, bigo sila. Kailangan ng lipunang Pilipino ng mga BAGONG LIDER na may pagmamahal sa Dios, Lipunan at Pamilya. Hinog na ang panahon sa pagpasok sa istrukturang pulitikal ng mga LIDER-KABATAAN na may bagong pananaw sa pamamahala, may disiplina at may matatag na paniniwalang panlipunan.
Kaya naman, ang panawagan naming mga kasapi ng Bagong Tao Movement ay ang paglikha ng BAGONG TAO, BAGONG LIDERATO, BAGONG PAG-ASA!
Ano ang tunguhin ng Bagong Tao Movement?
Ang pangunahing tunguhin ng Bagong Tao Movement ay pagka-isahin ang lahat ng mga kabataang may kaparehong paniniwala hinggil sa pagbabago sa lipunang Pilipino. KAPATIRAN ang hangad ng Bagong Tao Movement---isang MATATAG NA KAPATIRAN NG MGA KABATAAN NG BAYAN
Ang Bagong Tao Movement ay naghahangad ng isang kilusang kapatiran sa mga kabataan na nakasandig sa pagkakaroon ng isang LIPUNANG WALANG KATIWALIAN.
Ano ang PANGUNAHING LAYUNIN ng Bagong Tao Movement
Ang pangunahing layunin ng Bagong Tao Movement ay ang palaganapin ang matatag na kapatiran sa mga kabataan. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng mga aktibidad o programang organisasyunal, tulad na lamang ng mga socio-civic activities. Ngunit, kung may pangangailangan ang pagkakataon, hindi isinasantabi ng Bagong Tao Movement ang iba pang mga paraan tungo sa tunay at malawakang pagbabago sa Lipunang Pilipino.
Sa una, hangad ng Bagong Tao Movement na ipagbuklod ang mga kabataan para labanan o bakahin ang problema sa laganap na katiwalian sa pamahalaan. Naniniwala ang Bagong Tao Movement na KATIWALIAN ang PANGUNAHING problema sa Lipunang Pilipino.
Laganap ang katiwalian sa sistemang panlipunan bunga ng pangunguna ng mga TRADISYUNAL NA PULITIKONG nagpapasasa sa yaman ng bansa.ISANG MANIPSTASYON ng laganap na katiwalian ay ang lumalalang problema sa droga.
NANINIWALA ANG BAGONG TAO MOVEMENT NA KAILANGANG SIMULAN ANG PAKIKIBAKA O PAKIKIPAG-LABAN SA KATIWALIAN SA PAMAMAGITAN NG PAGKAKAISA NG MGA KABATAAN NA LABANAN ANG SALOT NG DROGA
ANO ANG SAGOT NG BAGONG TAO MOVEMENT SA PROBLEMA SA DROGA?
Naniniwala ang Bagong Tao Movement na masosolusyunan ang salot sa droga kung paiigtingin ng pamahalaan ang kanyang kampanya sa katiwalian.
Gayundin, maigting ang paniniwala ng Bagong Tao Movement na kailangang palakasin ang mga aksyon tungo sa DEMAND REDUCTION. Ipinapanukala ng Bagong Tao Movement ang pagkumbinsi sa mga kabataan na iwaksi ang KULTURA NG DROGA SA LIPUNANG PILIPINO.
Papaano ito maisasagawa?
Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pagpapatatag ng DISIPLINA SA MGA KABATAAN AT PAGPAPANUKALA NG MGA ALTERNATIBONG AKTIBIDAD.
Sisimulan ito ng Bagong Tao Movement sa pamamagitan ng pag-enganyo sa mga kabataan na makilahok sa mga pangunahing aktibidad tulad ng mga sumusunod:
1. Martial arts trainings - ang Martial arts ay nagdadala ng disiplina sa mga kabataan. Tinuturuan sila na maging mga responsableng indibidwal.
2. Sports - ang palakasan ay isang magandang outlet para sa mga kabataan hindi lamang para sa pagpapalakas ng kanilang mga pangangatawan kundi ng kanilang mga kaisipan.
3. Leadership training seminars - sa pamamagitan nito, maihahanda ang mga kabataang may hangad na magsilbi sa pamahalaan na mamuno ng may responsabilidad at may tamang perspektibo.
4. Environmental activities - ipapalaganap ng Bagong Tao Movement ang pagmamahal sa kapaligiran.
Prev: OVER A CUP OF TEA... by Bro. Atty Monching Ocampo FOUNDATION, HISTORY, PURPOSE AND FUTURE ROLE: THE TRISKELION YOUTH MOVEMENT (TAU GAMMA PHI COMMUNITY CHAPTER)
Next: THE INITIATION By: Bro. Mitchell L. Flores, MDG
Reply
No comments:
Post a Comment
Thank you very much for reading my blog. You inspired me. But if you intend to put your name "anonymous", better not comment at all. Thanks!