Ano ang nararapat ipalit sa bangkarote at gahamang rehimeng Arroyo? Batay sa aking analisis, nararapat itayo ang isang Pambansang Koalisyong Gobyerno na magsusulong ng open democratic principles sa panahon ng transisyon, mula sa rebolusyunaryong sitwasyon tungo sa eleksyon sa Mayo 10, 2010.
Kapagka napatalsik sa puwesto si Arroyo, kailangang agarang itayo ang People's Tribunal na magsasampa ng kaso laban sa kanya at kanyang mga alipores, tulad ng ginawa ng South Africa pagkatapos ng apatheid o iyong ginawa ng mga allied forces nang sumuko ang NAZI Germany sa ilalim ni Hitler.
Kailangan ang agarang pagtatayo ng isang Unity Government na siyang magiging pamahalaan sa panahon mula sa araw ng pag-alis ni Arroyo sa puwesto hanggang sa eleksyon sa 2010. Ibig sabihin, mayroong higit sa anim na buwan na nararapat na pangunahan ng koalisyong gobyerno ang pamahalaan. Ano-ano ang nararapat na hakbanging kailangang isakatuparan ng gobyernong ito?
Una, ang agarang pag-aresto at pagpapakulong sa mga galamay ni Arroyo. Kailangang sagutin nila sa People's Tribunal ang mga krimeng ginawa nila laban sa Sambayanang Pilipino.
Ikalawa, ang pagpapaunawa sa mga bansang alyado ng Pilipinas na tuloy ang relasyon ng ating bansa sa kanilang bansa at pangangatawanan ng Pilipinas ang mga commitments nito sa kabila ng agarang pagpapalit ng pamamahala.
Ikatlo, ang pormal na pagbuo ng koalisyong gobyerno. Ano ang nararapat na istruktura ng pamahalaang ito?
Bilang koalisyon, kailangang magkaroon ng aktibong partisipasyon sa pamamahala ang mga partido pulitikal gayon din ang mga People's organizations at NGOs. Magkakaroon ito ng isang Council of Elders na pamumunuan ng mga dating lider pangulo, na ang tanging papel ay Tagapayo.
Isang komite ehekutibo ang nararapat itayo na pamamahalaan ng mga kinatawan ng mga partido pulitikal. sa komiteng ito, maghahalal ng isang tagapagsalita na ang tanging papel ay maging kinatawan ng buong pamahalaan sa pakikipag-ugnayan sa mga dayuhang bansa. Siya rin ang tatayong lider ng pamahalaan sa panahon ng rebolusyon. Hindi rin pahihintulutan ang kanyang pagtakbo sa halalan sa 2010.
Ang komiteng ito ang siyang maghahalal ng mga hahalili sa babakantehing posisyon ng mga kabinete ni Arroyo. Gagawing korporasyon ang mga sangay at ahensya ng pamahalaan. Sa bawat sangay at ahensya, ipapasok ang dalawang grupong ang tanging hangad ay rebyuhin at magpanukala ng mga pagbabago o kaya'y magpanukala ng mga paraan kung papaano mas lalong paiibayuhin ang serbisyo publiko. Ang dalawang grupong ito ay bubuuin ng mga kinatawan mula sa pamayanang akademiko at civil society.
Papayagang manatili sa kanilang mga puwesto ang mga lokal na opisyal de gobyerno maliban na lamang kung mayroon sa kanilang kontra rebolusyon. Tulad ng ginawa ni dating Pangulong Aquino, aalisin sa kapangyarihan ang mga anti-rebolusyon at bibiyakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpapaupo ng mga officers-in-charge.
Gayundin naman, wawalisin ang mga natitirang galamay ni Arroyo sa hanay ng militar at pulisya.
Isang constitutional review group ang itatayo na ang magiging kinatawan ay ang mga miyembro ng civil society, academic community at political parties na ipinalubog sa mga ahensya at sangay ng pamahalaan. Magiging papel nila ay ang pagrebyu sa mga probisyon ng Saligang Batas at pagbuo ng mga panukala sa pagpapalakas nito. Ang mga panukalang ito ang siyang ilalatag sa Sambayanan sa halalan ng 2010.
Itutuloy ang paghalal ng magiging Pangulo ng bansa sa 2010. Sa sandaling makapanumpa ang bagong pangulo ng bansa, unti-unting bibiyakin ang komiteng ehekutibo NGUNIT, hindi babaguhin ang istruktura ng partisipasyon ng civil society at academic community bilang mga advisers sa bawat sangay at ahensya de gobyerno. Ipagpapatuloy ng mga grupong ito ang aktibong papel sa prosesong operasyunal ng mga sangay de gobierno.
Magiging impormal din ang papel ng Council of Elders. Ipapanatili ang kanilang grupo ngunit ito ay sadyang naroroon upang maging tagapayo lamang ng bagong pamahalaan.
Patatapusin ang termino ng bagong pangulo ngunit pagdating ng 2016, kailangang handa na ang bansa sa pagpapalit sa sistema de gobierno. Sa aking palagay, hinog na sa prosesong parlamentaryo ang mga mamamayan pagdating ng panahong ito.l
Showing posts with label hr 1109. Show all posts
Showing posts with label hr 1109. Show all posts
Monday, June 8, 2009
Hinog na ang Panahon sa pagkilos
Parang hindi yata tama na, nakapatong na yung rapist mo, at naka-umang ang baril sa iyong sentido at unti-unti ka nang huhubaran eh ang sasabihin mo pa eh, ipaliwanag mo muna sa akin kung bakit mo ako gagahasain at anong gusto mong gawin sa akin? Isa itong kalokohan.
Tama na maging isang informed action ang gawin, ngunit, sa tingin ko, sapat na ang information campaign laban sa charter change. Sapat na rin ang ginagawang oposisyon laban sa HR 1109. Ang kailangang gawin ay ang pag-organisa ng taumbayan sa ilalim ng liderato ng mga tunay na rebolusyunaryo. Higit kailanman, hinog ang panahon tungo sa pagsasanib puwersa ng mga nasasa ligal at nasasa rebolusyunaryong kilusan upang makalikom ng sapat na puwersang mas malakas kaysa sa puwersa ng Estado.
Kailangang kumilos, hindi mag debate o mag diskursyon. Tapos na ang diskursyon at nararapat sa panahong ito ang sama-samang pagkilos tungo sa pagbabago.
Sa tunguhing ito, nararapat din na maghanda ang mga grupo sa posibilidad ng deklarasyon ng batas militar o at the least, a State of National Emergency. Inihahanda ng Estado ang kanyang sarili sa kaganapang ito at kailangang mas handa ang mga nais ng pagbabago sa ganitong sitwasyon.
Halimbawa, kung may armadong puwersa ang Estado, nararapat ding may armadong komponente ang kilusan ng pagbabago. Sa aking analisis, ang krisis na ito ang siyang magiging daan upang mapalakas na muli ang kilusa tungo sa pagbabago. Isa itong kasangkapan upang magkaisa ang mga beteranong rebolusyunaryo na pinaglayo ng magkakasalungat na ideya tungo sa tamang istratehiyang naaangkop sa sitwasyong Pilipino.
Hindi rin ako naniniwalang lalakas ang rehimeng Arroyo sa sandaling humupa ang galit ng taumbayan sa ginawang katalampasanan ng kanyang mga galamay. Sa aking palagay, hinog na ang panahon at handa na ang Sambayanang Pilipino na tapusin ang rehimeng ito.
Gagap din ng Sambayanang Pilipino ang pangangailangan sa armadong pakikibaka. Iyan ang naging aral ng 1959 Cuban revolution. Ayon kay Che Guevarra, walang epekto ang masang pangkilos sa lantad kung walang puwersang armadong sumusuporta dito. Wala ding epekto ang isang armadong puwersa kung walang partisipasyon ang masa.
Kaya naman, kailangang tumibay ang simbayotikong ugnayan ng masa at ng mga rebolusyunaryong grupo. Kailangan ding pangunahan ng mga tunay na rebolusyunaryo ang hakbanging patalsikin sa kapangyarihan ang rehimeng Arroyo.
Ngayon, ano ang tamang istrukturang pamalit sa rehimeng Arroyo? Basahin sa susunod kong artikulo.

Subscribe to:
Posts (Atom)